CHAPTER 63 Nang nasa mobile car na ako, doon ko na lang iniluha ang lahat ng sakit. Habang nakatangin ako sa labas, sa aming dinadaanan, nakaramdaman ako ng inggit sa mga taong malaya. Malayang gawin ang lahat ng kanilang gusto. Nami-miss ko na ang buhay malaya. Habang nakikita ko ang mga mag-aaral na naghahabulan sa daan, mga mag-aaral na masayang naglalakad at nagkukuwentuhan na nadaanan namin ay naalala ko ang aking mga mag-aaral. Naalala ko rin ang kakulitan ni Gjiam sa tuwing magsisimula at matatapos ang aming klase. Ang kanyang malambing sa akin na pagbati. Ang kanyang mga pasimpleng titig kapag nagtuturo ako sa kanila. Ang pamimilit niyang ihatid ako sa faculty room. Ang simple niyang pagbibigay ng kung anu-anong mga regalong chocolates. Ang kanyang kakulitan sa klase at mga jokes

