CHAPTER 78 Kailangan kong magsalita. Kailangan kong kausapin si Mommy para mauna at umalis na siya. “Mom, sandali lang ho. Sumakit lang po ang tiyan ko,” malakas kong sinabi habang nakayakap sa akin si Gjiam. “Lalabas na po. Sa labas na lang ho ninyo ako hintayin.” “Pero okey ka lang ba? Gusto mo ibili ka ng gamot?” “Okey lang ho ako. Sige na Mom, susunod na ho ako.” “Sige, sumunod ka na kasi itutuloy na raw ang hearing sa kaso mo.” “Opo,” sagot ko habang humuhupa na yung kaba sa dibdib ko. Habang nag-uusap kami ni Mommy, naririnig kong nagpaparinig ang Mommy ni Gjiam pero hindi pinapatulan ni Mommy. Kahit nang lumabas na siya, may mga parinig pa rin na mabubulok ako sa kulungan ngunit wala akong narinig na sagot si Mommy sa kanya. “Aaalis na ako,” bulong ko kay Gjiam. “Ako na la

