CHAPTER 50 Hindi ako dinalaw ng antok sa gabing iyon. Ramdam ko ang sakit. Ang wala nang katapusang kamalasan ko sa buhay. Kasabay ng paghapdi pa rin ng aking mukha, mata at mga sugat sa buong katawan, ang sakit na isiping na nasa kulungan na nga ako na wala namang kasalanan, patuloy pa rin akong pinahihirapan. Mulat ako magdamag. Iniisip ko pa rin ang lahat ng plano ko at hakbang kahit pa wala rin namang nangyayari. Oo’t nagsabi si Luvi na tutulungan niya ako ngunit alam kong sarili ko lang ang aking maasahan. Sarili ko lang ang aking tanging kakapitan. Ngayon pa na nakakulong na ako? Ngayon pa na isa na rin ako sa mga preso? Kailangan ko talagang sumabay. Kung hindi ako mag-uutak kriminal baka bangkay na talaga akong ilalabas dito at hindi ko hahayaang mangyayari iyon sa akin. Kinabuka

