CHAPTER 88 “Anong ginagawa mo rito? Bakit ka pumasok?” tanong ko habang takip ko ang mga maseselang bahagi ng aking katawan. Buntong hininga lang ang tinugon niya sa akin Sabay tingin sa paligid. “Ano nga? Anong kailangan mo?” “Wala,” maikli niyang sagot sabay kamot. Naku-kyutan ako sa pagkamot at sa reaction niyang parang nahihiyang tignan ako. “Wala pala eh. Bakit mo ako pinasok rito?” nagtataka kong tanong. Muling bumaba ang tingin ko sa kanyang maumbok na dibdib na tinutubuan ng pinong buhok na umabot sa kanyang puson at alam kong nagtatapos iyon sa kanyang…Hindi ko mapigilang pagmasdan ang bumubukol niyang ano sa loob ng nakatapis niyang tuwalya. “Naputol kasi yung usapan natin kanina nang tinawag ka ni Tores. Gusto sana nga kitang makausap at masabi ko yung...” Tumalikod ako.

