CHAPTER 65 Tatlong araw pagkatapos nang nangyari sa CR ay naramdaman ko ang pakikitungo ni Nagbilangan sa umaga pero hindi pa rin niya ako kinikibo. Nag-almusal. Nagtambayan ngunit walang Rocky ang kumausap sa akin. Nakalungkot pala. Nakakapanibago lalo na kung walang kausap. Noon ko naramdaman na iba pala kapag may kausap ka. Kapag ramdam mong may kakampi ka. Iba pa rin kapag may masabing kaibigan ka sa loob. Ramdam na ramdam ko noon ang matagal na paglipas ng oras. Pero minsan, nakakapagod din pala ang maghabol. Ang hirap din palang sunud nang sunod sa taong hindi ka mapanindigan. Lalo pa’t sinabi na niya sa pagmumukha mo na may iba na siya. Tinanggap kong wala na nga sa akin si Rocky. Na sa minsang pinanghinaan ako ng makamundong pagnanasa, ang kapalit ay ang tuluyan niyang paglayo

