Chapter 83 “Ang tagal kong naghintay sa pagkakataong ito pero ito lang pala ang mangyayari. Ito lang pala ang gagawin ni Gjiam sa akin. Rocky, hindi siya sumunod sa usapan namin. Hindi niya ako pinanindigan. Hindi niya sinabi ang kung ano ang totoo sa korte.” naibulalas kong pagbabalita kay Rocky habang nililinis niya ang sugat ko. “Sobrang sakit. Sa lahat ng mananakit sa akin, siya pa na pinagkatiwalaan ko nang husto.” “Baka may malalim na dahilan,” sagot ni Rocky. “At ang dahilan na ‘yon ay mas mabigat pa kaysa sa akin? Kung mahal niya ako, hindi ba dapat ako ang inuuna niya? Hindi ba dapat mas pinili pa rin niyang magsabi ng totoo para sa aking paglaya?” “Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi tama ka naman eh. Mali pa rin na hindi niya sinabi anng mga tunay na nangyari. Lalo na’t anta

