CHAPTER 53 Itinaas ng kapatid ko ang kanyang cellphone para kunan ng video si Gjiam na noon ay kahawakan ko ng kamay. “Huwag Hanna, please. Huwag mo siyang kunan ng video. Hindi siya kasabwat ng Daddy niiya. Wala siyang kinalaman sa ginawa ng Daddy niya. Igalang natin ang kanyang privacy, please.” “Privacy Ate? Okey ka lang ba? Anong privacy ang sinasabi mo, eh sila nga mismo walang paggalang sa privacy na sinasabi mo. Daddy niya mismo nagkalat ng video ninyo na nandoon ang pagmumukha niyan. So, ano pang privacy ang kailangan niya?” “Hindi mo kailangang ikumpara tayo sa Daddy ni Gjiam. Hindi tayo. Kaya please. I-delete mo yung nakunan mo.” Huminga si Hanna nang malalim. Hindi siya kumbinsido sa pakiusap ko sa kanya. “Gusto ko lang namang maipakita sa mga tao yung side natin. Gusto ko

