CHAPTER 25 Tinignan ko ang hawak kong iniinom ko. Panghuli na iyon ngunit parang hindi ko na kayang ubusin pa. Naramdaman ko na kasi ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Lasing na nga yata ako kasi medyo umiikot na rin ang aking paningin. Ito na pala ang pakiramdam ng nakainom.Mukhang nawawala na ako sa aking koordinasyon. Tinignan ko ang oras, pasado alas diyes pa lang. Napakabilis naman naming nalasing ni Gjiam. Nang halos bumagsak na at mabasag ang hawak kong bote ng alak ay alam kong di ko na dapat pilitin pang ubusin habang kaya ko pang humiga. Tinignan ko ang kama ko. Natamad na ako pumunta pa roon. Dito na lang sa kama ni Gjiam ako hihiga. Tatabi na lang ako sa kanya. Muli kong tinitigan ang gwapong mukha ng aking istudiyante. Ang gwapo talaga niya. Daniel na Daniel Padilla.

