CHAPTER 55 Nang may armas ako, nawala na nang tuluyan ang takot ko. Lumipas ang isang buong linggong pang-iiwas. Isang buong linggo namahinga at lihim na naghanda. Kahit masakit ang katawan ko, nag-ensayo ako. Hinasa kong muli ang sarili sa mga dati ko nang alam na nakalimutan ko lang. Kailangan kong ibalik ang aking liksi at lakas. Ako at ng aking armas lang ang aking aasahan. Tulad ng naging usapan namin ng warden, gagamitin ko lang ang mga kinuha ko sa kanyang armas bilang proteksiyon at hindi para ipanakot. Hindi para lumaki ang aking ulo at maghamon. Dahil doon, sinadya kong pumunta sa CR sa mga oras na wala nang pila. Alam kong iyon naman talaga ng hinihintay ng grupo nina Sanches na siyang hinihintay ko rin para makapaghiganti sa ginawa nila sa akin. Kinuha ko ang aking sabonera at

