NILAKASAN ni Beaty ng kunti ang volume ng head unit. On Air na ang paborito niyang DJ sa paborito rin niyang radio program tuwing alas-siete ng gabi. She was on her way to her best friend’s party. Nagbukas na naman si Jazmin ng isa pang branch ng fashion boutique nito kaya naimbitahan siya sa idaraos nitong congratulatory party ngayong gabi.
Nang tumunog ang kanyang cell phone na nakalagay sa phone mount ay pinahinaan niya muna ang dash stereo at saka sinagot ang tawag habang ang mga mata niya ay nakatutok sa daan.
“Beaaaaa! Where are you?” Jazmin intentionally raised her voice on the other line dahil besides sa boses nito ay narinig niya rin ang iba’t-ibang ingay mula sa boses ng mga tao at tugtog sa venue ng party.
“I’m coming!” Pinatayan niya ito ng telepono. Hindi niya rin naman kasi marinig ng maayos ang kaibigan at maingay roon. Isa pa ay nagmamaneho siya ngayon.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin siya sa hotel kung saan idinaraos ang party ni Jazmin. She parked her car at nagmadali nang pumaroon sa ikatlong palapag ng hotel. Kung hindi lang talaga niya best friend itong si Jazmin ay hindi siya mag-aabala. Hindi pa naman siya party person at higit sa lahat pagod siya sa trabaho sa banko. Hindi lang sa trabaho niya sa banko kundi pati na rin sa mga raket niya. Bukod kasi sa pagiging bank teller ay isa rin siyang online seller. Kailangan niyang magdoble kayod dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Ang dalawa niyang nakababatang mga kapatid ay parehong nasa kolehiyo at kung hindi siya magsisikap ay hihinto sa pag-aaral ang mga kapatid niya na hindi niya hahayaang mangyari.
Bago pumasok ng function hall ay nilabas muna niya ang kanyang maliit na salamin mula sa kanyang Chanel shoulder bag na iniregalo ng kanyang boss. Sinipat niya ang sarili sa salamin at napangiti rin siya sa nakitang repleksyon. Baka maraming sosyal na mga bisita si Jazmin at mahusgahan siyang hindi kaaya-aya para sa party na iyon. Hindi niya rin naman kasalanan kung haggard siya dahil sa paghahanapbuhay. Pero sadyang mala-dyosa lang talaga ang ganda niya. Partida haggard pa ‘yan. Iba talaga ang ipinagkaloob na itsura sa kanya, hindi kailangan ng makapal na make-up. Mas lumalabas ang kanyang pagiging dyosa sa simpleng pag-ngiti lang niya.
Pumasok na siya ng function hall. Gaya ng inaasahan niya ay sosyal ang mga taong dumalo sa party. Bumaba ang mga mata niya sa damit na soot niya. Naka skin-toned dress siya na 3 inches above the knee at naka heels. Hindi naman halata na binili lang niya sa halagang three hundred pesos ang damit na soot, maliban na lang kung tunay na sopistikado iyong kumikilatis. Mabuti na lang at maganda ang sumusuot. Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap si Jazmin na nag-iisang kakilala niya roon. Ngunit hindi niya ito nahanap.
“Drinks, ma’am?” Hindi niya naramdaman ang paglapit sa kanya ng waiter na may dalang tray ng cocktail drinks.
“Salamat.” Ngumiti siya sa waiter at saka kumuha ng isang cocktail glass. Pagkuwa’y iniwan na siya ng waiter para mag-offer ng drinks sa iba pang guests.
Saan ba naman itong si Jazmin at hindi niya mahanap? Siguro ay nandoon na naman ito sa tabi ng jowa nito. Kilala niya si Jazmin simula pa no’ng high school sila. Nasa 7th grade siya nang lumipat sila ng Halyuta City galing sa kanilang probinsya. Naging kapitbahay niya itong si Jazmin noon, ngunit lumipat na ito ng bahay noong nakaraang taon lang. Kilalang kilala niya si Jazmin, lalo na ang pagka praning nito. Pag kasama nito ang nobyo ay parang magnet ito kung maka dikit dahil sa iniisip na malingat lang ito sandali ay maaagaw na ng iba ang nobyo nito.
Nakahanap siya ng bakanteng cocktail table at doon siya tumuloy. Hawak ang cocktail glass ay muli niyang sinuyod ng tingin ang buong hall hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata ang isang napaka-gwapong lalaki na nakikipag-usap sa mga kakilala nito.
Nanatili ang kanyang mga matang nakatingin sa lalaki, tila kay hirap para sa kanya ang alisin ang tingin dito. Bumibilis ang kanyang pulso. Ito ba ang tinatawag nilang love at first sight?
Matangkad ito at ‘yon ang isa sa pinaka tipo niya sa isang lalaki. Dagdagan pa ng jawline nito na napaka hot at ang matangos na ilong ay sapat na para malaglag ang puso niya. Para siyang nawawala sa wisyo at natutulala habang pinagmamasdan ang bawat pag-ngiti ng lalaki at pag-kibot ng mga labi nito.
Pagkuwa’y halos mawalan siya ng hininga nang matagpuan itong nakatingin na din sa kanya. Her eyes widened as she looked away, and an annoying flash of heat washed up her face.
She took a sip sa hawak na inumin. Hindi na siya muling tumingin pa sa direksyon ng lalaki dahil sa hiyang naramdaman niya. She wanted to take a glimpse of the handsome man again pero natatakot siyang mapaghalataan. Baka isipin nitong patay na patay na siya agad dito. Na maaaring totoo naman pero hindi kasi siya ‘yong tipo ng babae na nagbibigay agad ng motibo lalo pa at kakakita pa lamang niya rito. Ni hindi nga niya alam pa ang pangalan nito. Hindi niya alam kung bakit siya mahihiya, wala naman siyang ginawang masama. Napatitig lang naman siya sa kagwapuhan nito. She bet she was not the only girl who couldn’t help herself but to stare at that attractive man.
“Beaaaaa!”
Hindi na niya kailangan pang lumingon para malamang si Jazmin iyong tumatawag sa pangalan niya.
“Sa wakas nag pakita ka rin. Sa’n ka ba nanggaling?” Bumeso siya kay Jazmin.
“I miss you!” Jazmin’s eyes sparked at the view of her presence. Pagkuwa’y niyakap siya nito ng mahigpit na parang ilang dekada silang hindi nagkita. Niyakap niya rin ito pabalik and they stayed like that for a few seconds.
“How’s life, Bey?” Jazmin sounded bubbly.
“Nothing has changed. I still drive that old Vios.” She let out a big sigh.
She was never ashamed to tell Jazmin everything. Whenever she couldn’t contain her anxiety anymore, she would go to Jazmin and complain about life. The truth was, that senescent car was bought by her dad when their family was still happy and complete, and for Pete’s sake, that was 12 years ago. Makailang beses na ring tumirik sa daan ang sasakyang iyon. It was a hassle but how could she buy a new one when all of her salary went to his brothers’ tuition and for their family’s sustenance. Halos hindi na nga tumatagal sa kamay niya ang sweldo niya. Isa pa, ang bank savings niya ay nakalaan ang kalahati para sa mga kapatid niya dahil if ever one of these days ay magkapamilya siya, at least secured na niya ang pag-aaral ng mga ito. She wasn’t even earning enough. Half of her savings ay para naman sa pagbuo niya ng kanyang own family in the near future, if the universe would allow.
At her age right now, sana mayroon na siyang sariling pamilya. Gusto niya na ring magkapamilya at magka-anak dahil tumatanda na siya. Since age was the single biggest factor affecting a woman’s chance to conceive. Nasa trenta anyos na siya. She was aware that a woman’s fertility started to reduce in her early 30’s. Ayaw niyang tumandang dalaga at mag-isa. Just the thought of it could make her very sad. Bahala na kahit hindi pa naka-graduate ang mga kapatid niya, last year pa siyang nagplano na magpapakasal na. Pero mas nauna pa yata siyang magplano ng kasal kaysa sa maghanap ng pakakasalan. Kahit pa magkaroon siya ng sariling pamilya ay hindi niya naman pababayaan ang ina at mga kapatid niya. Ang problema lang ay wala siyang jowang pakakasalan. Wala pa siyang nakikitang lalaki na bibihag muli sa kanyang puso, not until just a moment ago. Sa isip niya ay kindatan lang siya ng lalaking iyon ay aayain niya na agad ito sa simbahan. She was that desperate.
“It’s okay. Ano ka ba? Just enjoy the night.” Jazmin rubbed her shoulder.
Napangiti naman siya dahil sa apat na buwan na niyang hindi nakikita ang kaibigan ay napaka sweet pa rin nito sa kanya.
“Papakilala kita sa mga friend ko.” Bumaling si Jazmin sa direksyon ng lalaking tinitigan niya kanina.
“Jaz, huwa---” Aawatin pa sana niya ang kaibigan ngunit huli na ang lahat.
“Guys, come over here!” Tinawag nito ang isang grupo ng magkakabarkada na masayang nagkukwentuhan.
Her heart was beating fast. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nadarama. She didn’t even know why she suddenly wanted to excuse herself.
Anim na tao ang lumapit sa kanila at isa na roon iyong lalaking bumihag sa kanyang mga mata. Sa mga mata nga lang ba? O diritso sa puso? The man stood beside her and she almost hiccupped. Parang biglang sumakit ang tiyan niya.
Hindi niya magawang tingnan ito. Doon lang siya nakatingin sa mga taong nasa harapan niya at parang nagka-stiff neck siya at hindi niya magawang i-ikot ang leeg sa kaliwa’t kanan niya.
Ano ba, Bea! Act normal! Paano mo magagawang ayain ang lalaking iyan sa simbahan kung hindi mo nga matingnan? aniya sa kanyang isipan.
Pinakilala siya ni Jazmin isa-isa sa mga kaibigan nito, at nang ang gwapong lalaki na ang ipapakilala sa kanya ay nanlamig ang mga kamay niya.
“And this one, our most handsome friend, Jox Andres.” Jazmin gestured at Jox.
Jox stretched out his hand. “Hi,” he said. His smile was so endearing. Ang mga mata nito ay parang nakaka-hypnotized.
Napakagat labi siya sa malanding pagtitig nito sa mga mata niya. Tila sanay itong tumitig sa mga mata ng isang babae.
Napalunok siya habang tinitingnan ang nakalahad na kamay nito bago niya ito tinanggap. His hand was so warm and so smooth. Ano ba’t para siyang tangang ayaw bitiwan ang kamay na iyon. Nang mag-angat siya muli ng tingin dito ay nakangiti pa rin ito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang kinilig.
“May balak pa ba kayong bitiwan ang kamay ng isa’t-isa?” Jazmin said.
Nahiya na naman siya kaya mabilis niyang binawi ang kamay niya.
“Your friend looks gorgeous, Jaz.” Klint shoved his hair back away from his face.
“I know right.” Jazmin looked proud of her.
“Alam mo, Beaty, single ‘yang kaibigan namin.” Jon smiled at her, then he winked at Jox.
Halos memorize na niya ang mga pangalan ng mga kaibigan ni Jazmin.
Hindi niya napigilang mapangiti. Bakit ba ang swerte niya at single ang crush niya. As if naman, type siya nito. Dapat hindi niya maipahalata sa kanila na tuwang-tuwa siya sa nalaman kaya kiming ngumiti na lang siya.
“Isn’t she beautiful, Jox?” ani naman ni Carla. Si Carla ay girlfriend ni Jon.
“She is,” Jox said in a serious voice.
Pulang-pula na ang pisngi niya. Gusto niya mang tingnan si Jox upang makita ang ekspresyon nito ay hindi niya naman magawa. Dahil alam niyang magtatama lamang ang kanilang mga mata muli dahil nararamdaman niya ang pagtitig nito sa kanya.
Jazmin crossed her arms over her chest and narrowed her eyes. “My Bea is single, Jox. Pero ‘wag kang magtatangka. Malilintikan ka sa’kin.”
Mukha mang hindi ito seryoso pero hindi rin ito nagbibiro. Napaka-protective ni Jazmin sa kanya.
This time, ay humugot na siya ng lakas ng loob para lingunin si Jox. To her surprise, he was indeed looking at her and their eyes locked. She felt conscious as he seemed to explore the depth of the look in her eyes. Para nitong binabasa ang kaluluwa niya. Hindi ba’t sa mata makikita ang damdamin? Binawi niya ang tingin at awkward na ngumiti. Nahihirapan siyang umarte ng normal.
Jazmin’s party was not boring. Hindi lang ito simpleng kainan at kuwentuhan. She prepared fun games for everyone to be entertained. Nasa iisang round table na siya ngayon kasama sina Jox at mga kabarkada nito. Hindi sila nagtabi sa upuan. She was a little shy. Hindi siya sanay makisama sa mga sosyal at liberated na tao. Although, she was the most beautiful girl there. Alam niya na maganda siya but at the same time, she did not know she was really beautiful.
“Good evening everyone!” The emcee said. He was a feminine gay who was wearing a sexy dress and heels. His cheerfulness and liveliness made everybody happy.
Lahat ng atensyon ay nasa nagsasalita sa small stage sa center ng hall. Habang ang mga mata niya naman ay palipat-lipat doon at kay Jox na tumatawa habang nanonood at nakikinig sa mga punch line ng emcee.
“Sa lahat ng mga boys na narito. Sana hindi kayo mahulog sa kagandahan ko.” The emcee’s joke caused everybody to laugh.
Nagpatawa pa ng nagpatawa ang emcee. Mahabaging langit, Jox’s laugh was the sexiest laugh she had ever heard. She wanted to listen to that laugh more than listening to her favorite DJ. Muli ay nakita niya mula sa kanyang peripheral vision ang pagbaling nito sa kanya. Buti na lang at nasa emcee na muli ang kanyang tingin. Naghuhuramentado na ang puso niya. She forced to laugh when everybody else laughed kahit hindi na niya nasundan ang sinasabi ng emcee at hindi niya alam kung anong nakakatawa.
“Okay! Listen everyone. Kailangan ko ng two volunteers. Dapat ay mga single ito, ha,” ani ng emcee.
She shyly scratched the back of her neck when everybody in that table looked at her and Jox. She knew they were prospecting them. Oh no! She liked it. Nahihiya pa rin naman siya pero kung ang mga ito rin naman ang nagpupumilit at hindi siya, why not?
Suit yourself, guys.
Tumayo si Jon at itinaas ang kamay nito.
“Miss Emcee, we have here!” Itinuro siya nito at si Jox.
“Naku, ano ba. Nakakahiya!” She shyly waved her hand.
Pero ano pa ang magagawa niya nang tumayo na si Jox. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mga hiyawan ng mga tao. Then she found herself standing too at lalo lang lumakas ang kantyaw ng mga tao.
“Ayie!” Kinantyawan sila ng barkada.
Bumaling siya kay Jazmin na katabi rin ang boyfriend nito at tipid lang siya nitong nginitian. Parang hindi ito pabor sa mga nangyayari. But when Jazmin nodded at her, she widely smiled as she followed Jox to the small stage. She somewhat got her best friend’s approval.
Nag offer si Jox ng kamay para alalayan siya sa pag akyat sa mini stage at nalulugod niya itong tinanggap.
“Ay, ang sweet naman,” ani ng emcee na parang kinikilig na naiinggit.
The emcee faced Jox and winked at him teasingly. “Ang gwapo mo, fafa. Pa hug nga,” he said.
Jox just genuinely let the emcee hugged him, niyakap rin nito pabalik ang emcee ng maluwag. She found him more attractive because this guy apparently respected the LGBT community.
The emcee demoed what they were going to do to entertain the guests. Kung ano man ang gagawin ng emcee kay Jox ay iyon din ang gagawin niya rito. Pero bago ang lahat ay humingi muna ang emcee ng pahintulot sa kanilang dalawa if they were fine with it. Nagdala pa ito ng pekeng kasulatan na nagpatawa sa lahat. Pinirmihan din nila ito habang napapailing at natatawa.
Nag umpisa ang emcee sa pinaka basic. Katulad ng simpleng paghawak ng kamay ni Jox sa loob ng isang minuto. Kilig na kilig naman ang emcee lalo na nang pinisil ni Jox ang kamay nito. Pinagpawisan naman siya dahil baka hindi siya makahinga kapag isang minuto silang magkahawak kamay.
“Ok, it’s your turn, girl!” The emcee gave way to her.
Napalunok siya when Jox stretched out his hand. Nang mahuli ni Jox ang kamay niya ay he took advantage to lock their fingers. Laking gulat na lang niya sa ginawa nito. She was concerned if he could sense her intensity. Panay ang lunok niya dahil sa anong kaba, ni hindi siya makatingin dito.
“Ay, ang daya naman! Bakit ‘yong sa akin, hawak lang?” The emcee pouted his lips at napadabog pa ito.
Medyo gumaan ang nararamdaman niya dahil sa pagpapatawa ng emcee. One minute passed rapidly.
Nagkatitigan sila bago bitiwan ang kamay ng isa’t-isa. Napakalagkit talaga tumingin ni Jox sa kanya. Napapaiwas na lang siya ng tingin dahil hindi siya sanay na makipag titigan sa isang lalaki.
Ang sunod na ginawa ng emcee ay ang pagyakap kay Jox sa loob ng 30 seconds. Hiyawan ang mga manonood. Habang siya ay nanigas na.
Pinanggapangan naman siya ng kaba at she didn’t even notice na siya na ang dahilan ng pagtawa ng mga tao, sapagkat bumaba siya ng small stage upang makatakas dahil hindi niya yata kayang gawin iyon. She didn’t realize that. The guests found her effortlessly funny.
“Hephep! Saan ka pupunta? Balik balik.” Pinaypay siya ng emcee nang matapos ito sa pagyakap kay Jox at nahuli siyang tumatakas.
Nang lumingon siya at napatingin kay Jox ay nakita niya na umangat ang gilid ng labi nito. Hinahamon yata siya ng lalaking ito.
Naglakas loob na siya. As soon as she stepped onto the stage, she threw her arms around him.
Narinig niya ang mga tao na napahiyaw sa kilig. Her heart beat even faster when he felt his arms around her waist. Napapikit siya ng mariin sa kiliting ibinibigay nito sa kanya.
“You smell good,” he whispered in her ear.
And so do you. Ngunit hindi niya na ito nagawang isatinig pa dahil nahihiya siya. Isa pa, sobra na siyang kinikilig. Ikaw ba naman ang masabihan ng isang gwapo na mabango ka, hindi ka kaya kiligin?
“Why are you so shy?” Halos dumikit ang bibig nito sa tenga niya.
She felt a sudden spurt of spark from her neck down to her spine.
Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong isagot ang mga bumuong salita sa isip niya dahil pinaghiwalay na sila agad ng host dahil natapos na pala ang 30 seconds.
“Ay, grabe kayo! Nagseselos na ako sa’yo, Ateng. Ba’t kasi ang ganda-ganda mo?” The emcee pouted.
“Alam niyo ba kanina? Habang nagyayakapan sila, itong si Kuya may binubulong kay Ateng?” Tumalon-talon ang emcee sa kilig.
Nagsihiyawan na naman ang mga bisita. Pulang-pula na ang mga pisngi niya. Habang si Jox naman ay mas kalmado pa sa dagat. Pa ngiti-ngiti lamang ito.
Hindi na nagpatuloy pa sa mas sensual pa sa yakap na body contact ang emcee at pinabalik na rin silang dalawa sa kani-kanilang upuan. Pulang-pula na ang mga pisngi niya nang makabalik sila sa kanilang lamesa dahil patuloy sa pagkantyaw sa kanila ang mga kaibigan nina Jox at Jazmin. Samantalang si Jazmin naman ang taga awat sa mga ito at nagmumukhang kontrabida ito.
Pagkuwa’y tumayo si Jazmin. She looked very serious. “May you excuse us, guys. Bey, tara,” Jazmin said.
Naging masunurin naman siya sa kibigan at sumunod sa likod nito. Iginiya siya nito sa hindi mataong parte ng hall. Jazmin held her hand and squeezed it, at tsaka siya nito seryosong tinitigan sa mata. Bigla naman siyang kinabahan.
“Why, Jaz?” She sounded a little worried.
“Look. Bey, I don’t feel quite good about telling you this for Jox is also a good friend of mine. But you are my best friend. My other half. Hindi ko na uulitin sa ‘yo, ‘to. Don’t get involved with Jox. Masasaktan ka lang.” Bumuntong-hininga ito.
Beaty forced herself to chuckle. Napatingin siya sa gawi ni Jox at seryoso itong nakatingin sa kanya.
Ibinalik niya ang tingin kay Jazmin. “Ano ka ba? I don’t like him. Hindi ako interesado sa kanya. Don’t worry, Jaz.”
She had to lie. When the truth was she wanted a detailed explanation from her friend. She needed that to understand. Pero bakit parati na lang mahirap para sa kanya ang sabihin ang tunay niyang nararamdaman nang walang pagdadalawang isip. She was always shy to tell what she really felt dahil takot siyang mahusgahan.
“Good girl. Thanks.” Jazmin flashed a smile as she disengaged her hand from hers.
Sandali lang pala ‘yong sayang naramdaman niya kanina. Babawiin din pala ito kaagad. She had no idea why she couldn’t like him. Sabi naman nila ay single si Jox. She wanted to ask but she would sound desperate. At least, that was what she thought.
They went back to their table. Nagbibiruan ang mga kaibigan ni Jazmin habang siya naman ay nakikitawa lamang at makailang beses na ring nagtatama ang mga mata nila ni Jox. She felt uneasy. That’s why she excused herself.
Tumungo siya sa rooftop. Nobody was there except her. She inhaled the fresh hair. Ang hangin naman ay nililipad ang mahaba niyang buhok. She just dyed her hair blonde, it was straight na lagpas balikat.
She was too fantasized with the beauty of the night at ang feeling na binibigay sa kanya ng gabi, mga bituin, at night breeze. Nothing is a much better place for her to go to right now than standing on the rooftop. She felt really good that she didn’t notice someone was just literally two steps behind her kung hindi pa ito umubo para makuha ang atensyon niya.
Napatalon siya sa gulat. She had no idea kung kailan pa ito naroroon.
“Hi!” Nakapamulsa si Jox nang naka ngiti.
This man was too much for her. He was intimidating. He was too cool. She couldn’t even get to speak to him.
“Why are you here alone?” He sounded modulated.
She could figure out if the person she was talking with was smart or not the way he or she talked. She guessed, this man was beyond a pretty face, he could be a genius too. Siguro kaya sinabi sa kanya ni Jazmin na masasaktan lang siya because Jox was perfect for just a simple woman like her. Ano lang ba naman siya kumpara rito?
“Just…sometimes we need to be alone.” She smiled at him.
“I agree. But I believe it is much better if there’s just someone who could keep us company.” Humalukipkip ito.
“Do you have a girlfriend?” Her eyes squinted. Hindi niya alam kung nasaan na si Beaty para yata siyang sinaniban ng espiritung may malakas na loob.
Ngumisi ito. “I remember my friends told you back there I was single. They are not lying, Miss Beaty.”
Bigla siyang nahimasmasan. Now she doesn’t know how to redeem herself.
Napakamot siya ng batok as she laughed in a very shy manner. “I’m sorry. I forgot about that.”
Jox fixed his endearing eyes on her and charged forward. His magnetic force was too strong for her that she felt being pulled to him, so she stepped backward to move out of the magnetic field. Pero parang hindi yata ito maka intindi, he stepped toward her again. The beat of her heart quickening with his step. She drew a deep breath when he pulled her into his arms. He was indeed magnetic.
He leaned close and lowered his voice. “Do you want to sleep with me?”
Her eyes widened. How could this man be so straightforward?
She looked back to when she decided to get married without a groom being known to her yet. Maybe, he’s the groom she’s been praying for. Yes, she wanted to get married as soon as possible. She wanted a groom.
Pero kailangan niya munang mag-isip.
“Miss Beaty, sleep with me.” He kissed the tip of her nose.
She has no time to think.
“Yes,” she answered with feelings.
ABot tenga ang ngisi ni Jox nang hinawakan siya nito sa palapulsuhan at iginiya sa kung saan. Dinala siya nito sa parking lot.
Sumakay sila sa sports car nito.
“Seryoso ka ba? Dito sa sasakyan natin gagawin? Alam mo ba…” She hesitated to say it.
“What?” Jox frowned.
“This is my first time.” She looked away.
Hinawakan ni Jox ang panga niya at lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. His kisses were passionate.
He stopped and looked at her. Humarap ito sa manibela at pinaandar ang sasakyan.
Nag-check in sila sa isang mamahaling hotel.
Nang makapasok sa kwarto ay agad siyang pinaulanan ng halik sa leeg ni Jox.
Dinala siya nito sa kama at pumatong ito sa kanya. “Let me be your first.” His voice was deep. Sapat na para mahubaran siya.
Unti-unti nitong binababa ang fitted-dress niya habang hinahalikan siya nito sa leeg at sa collarbone.
Napapa-igtad siya sa bawat pagdampi ng mga labi ni Jox sa balat niya.
Hanggang sa parehas na nilang naabot ang kanilang sukdulan.
Nanghina si Jox sa ibabaw niya at hinalikan siya sa leeg.
Niyakap niya ito ng mahigpit. Hanggang sa nakatulog siya.
Nang magising siya ay umaga na. Pero wala siyang katabi. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
“Jox?” She called him.
Tinakpan niya ang hubad na katawan ng kumot at pinulot ang mga nagkalat niyang underwear sa sahig.
Sinoot niya ang damit at hinanap si Jox sa buong kwarto pero ni anino nito ay hindi niya nakita.
Naiiyak na siya. Did he just leave her?
Was it just a one-night stand?