Tulala lang si Yana. Magpahanggang ngayon hindi siya makapaniwala. Ni wala siyang ganang kumain. Nakatitig lang siya sa kanyang pagkain na nasa kanyang harapan. "Eat!" matigas na utos ni David sa dalaga. "Wala akong ganang kumain," balewalang sagot ni Yana sa binata. "But you need to eat. Alalahanin mong may lamang buhay diyan sa sinapupunan mo! Daig mo pa ang pumatay sa ginagawa mong 'yan." Mababakas ang inis sa boses ni David. Damn! Napasulyap si Yana sa binata. "Salamat sa concern pero hindi mo ako naiintindihan, David. Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko. Hindi madaling tanggapin ang batang naging bunga ng kasalanan!" asik ni Yana. "Hindi mo na rin pwedeng ibalik pa ang batang 'yan. Pwede ba 'wag kang o.a! Kumain ka na kahit tatlong kutsara lang. Masa

