Kabanata 2

1151 Words
Ngumisi si Yana. Salamat naman at inilipat ang mesa niya sa labas ng opisina ni David. Hindi kasi siya komportable na magkasama sila ng binata sa isang opisina. Feel niya, parang hindi siya makakilos ng malaya.   "Excuse me, where's David?" tanong ni Brenda.   Umangat ang tingin ni Yana sa isang panauhin. Maganda ang naturang babae. Halos lumuwa na nga ang dibdib nito sa suot nitong black lace shirts. Masasabi niyang napaka-sexy nito.   "May I know your name, ma'am?" magalang na tanong ni Yana sa naturang babae sabay ngiti dito.   Tumaas ang kilay ni Brenda. "It doesn't matter."   Inis na tinungo ni Brenda ang pintuan ni David nang walang paalam. Ngunit mas maagap si Yana. Agad niyang napigilan ang babae.   "Look, Ms., hindi mo pa ibinigay sa akin ang lahat ng impormasyon mo, I'm the secretary here, so, my obligations are to ask you if you have an appointment with my boss," nakangising tugon ni Yana. She needs to be approachable kahit na gusto niyang batukan ang babaeng kaharap dahil wala man lang itong manners.   Sarkastikong hinarap siya ng naturang babae. "Ako lang naman ang girlfriend ng boss mo. Papasukin mo ba ako o hindi?" iritadong tanong ni Brenda.   "Hangga't hindi sinasabi ng boss ko na papasukin ka, hindi po talaga pwede, ginagawa ko lang po ang trabaho ko."   "What?" inis na bulalas ni Brenda sa kaharap. "Fine, tawagan mo siya at sabihin mong dumating si Brenda."   "Apelyido niyo po?" tanong ni Yana, halatang may halong pang-aasar.   "Salazar."   "Thank you," nakangiting tugon ni Yana. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang numero ng opisina ni David.   "Sir, may naghahanap po sa inyo, si Ms. Brenda Salazar," ani ni Yana.   Pansin ni Brenda ang biglang pagkunot ng noo ng bagong sekretarya ni David. Sa sobrang inis niya'y hinablot niya ang telepono mula dito at kinausap si David.   "Love, I miss you. Yeah, kaya lang mukhang ayaw akong papasukin ng sekretarya mo," tugon ni Brenda sabay taas ng kanyang kaliwang kilay kay Yana. Ngumisi lang ang bagong lintik na sekretarya ni David na mas lalong ikina-inis ni Brenda. Damn it! Pinasadahan niya ng tingin si Yana at aaminin niyang maganda ito. May posibilidad na maakit nito si David at hindi siya papayag do'n, malilintikan sa kanya ang babaeng 'to.   "See? ayaw mo kasing maniwala sa akin," inis na hinarap ni Brenda si Yana.   "I'm sorry, ma'am. I'm just doing my job," sagot naman ni Yana, hindi maipagkakailang may halong panunudyo ang kanyang boses.   "Argh! duh...," si Brenda at inis na iniwan ang mapang-asar na sekretarya ni David. At mabilis na binuksan ang seradura ng pintuan ng opisina ng binata. Sh-t! Nasira ang araw niya sa babaeng iyon.   Inis na hinarap ni Yana ang kanyang laptop. Kailangan niyang mag-isip. She need to destruct them. Damn. Na-imagine niya pa lang na may mangyayari sa loob ng opisina ni David kasama ang haliparot na girlfriend nito ay tila nasasaktan na ang kanyang puso. Kainis!   Tama, kunti na lang at matatapos na ang statistical report niya. Hinarap niya ang sariling laptop at in-open ang folder at hinanap sa documents ang statistical report niya. Nagpakawala ng buntong-hininga si Yana.   "Yana, may ballpen ka ba?" tanong ni Shirley sa kanya.   "Huwag mo muna akong guluhin, Shirley, dahil ipapasa ko na ito ngayon sa suplado nating boss. Matuto ka ngang lumapit dito at ikaw na ang maghanap, kainis ka naman, e," reklamo ni Yana habang seryoso sa ginagawa.   "Nagtatanong lang, e. Ang sabihin mo naiinis ka kay Brenda. Don't worry, hindi 'yon girlfriend ni sir, David. Isa lang naman siya sa mga babaeng pinaparausan ni sir, naniwala ka naman sa haliparot na 'yon," palatak ni Shirley.   Mabilis ang kilos ni Yana at ibinato kay Shirley ang black ballpen.   "Aw! Yana naman, e," reklamo ni Shirley.   "Totoo ba 'yan, Shirley?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yana.   "Yeah, alam ko 'yan dahil kasosyo dati ni Drex ang mga Montenegro. Hindi ko na kailangan pang sabihn sa iyo ang lahat ng detalye dahil saksi ka rin sa iringan namin noon ni Drex, na siyang lalaking nakabuntis sa'kin na magpahanggang ngayon ay parang baliw na naghahanap sa'kin," dire-diretsong tugon ni Shirley.   "Paano ka niya makikilala kung suot-suot mo iyang silicon mask mo, at isa pa Shirley, hindi tama iyang ginagawa mong ipagkait ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Walang kasalanan ang bata, bruha! Kumusta naman si baby Drei mo?" palatak ni Yana sa babae.   "Nasa lola niya, okay naman awa ng Dios," tipid na sagot ni Shirley.   "Ba't naman kasi ayaw mo pang magpakilala kay Drex, parang baliw na iyong tao sa kakahanap sa iyo. Pati ako na perwisyo sa tagu-taguan niyong dalawa, by the way, back to that witchy Brenda, is that really true?" paniniguro ni Yana sa kaibigang si Shirley.   "Yes, that's true," sagot ni Shirley sa kaibigan.   Habang kausap ang kaibigang si Shirley, nagmamadaling tinapos ni Yana ang kanyang statistical report, para may dahilan siyang maka-pasok sa opisina ni David, at ma-istorbo ang tila parang may mangyayaring hindi maganda sa loob ng opisina ni David. Damn! Ewan ba niya, pero totoong naiirita siya at naiinis sa Brenda witch na iyon. Napa-yes siya nang matapos din niya sa wakas ang report na ginagawa. Pinasadahan niya muna iyon ng tingin, ni-review bago tumayo at nakangising nagpaalam sa kaibigang si Shirley.   "Bilis, a. Ingat ka sa tigreng bruha," nakakalokong paalala ni Shirley sa kaibigan.   "Asa namang matatakot ako sa bruha na babaeng 'yon? Aba, hindi ko siya uurungan," nakangising ganting saad ni Yana. Saka siya kumatok sa pintuan ni David.   Kanina pa kumakatok si Yana ay hindi pa rin siya pinapapasok ni David na siyang mas lalong ikina-irita niya ng todo. Damn! Na-imagine ni Yana ang iba't ibang ginagawa ng dalawang nilalang sa looban ng opisina ng binata. Aba't hindi pwede ito. She need to do something. Hinawakan niya ang seradura at diretsong binuksan ang pintuan ni David.   Ngunit, laking gulat niya nang mabungaran niya sina David at Brenada na seryosong nag-uusap habang may ipinapakita si Brenda kay David na isang plan map sa hawak nitong Apple Macbook, mali ang kaninang conclusion na nabuo sa kanyang utak. Damn! Ang advance lang niyang mag-isip. Ipinilig niya ang kanyang ulo at ngumiting tinungo ang mesa ni David. Hindi na niya pinansin ang kakaibang tingin ni Brenda sa kanya, paki-alam ba niya sa bruhang ito.   Kunot ang noo ni David habang nakatingin sa nakangiting si Yana. "Who told you to get in without my permission? Don't you know how to knock, Ms. Macaraeg?"   "Of course sir, I knock first before I decided to open your office door, kaya lang masyado kayong seryoso sa kausap niyo kaya hindi niyo narinig ni mapansin man lamang ang aking pagkatok, I was here to give you this statistical report of mine, sir," nakangiting tugon ni Yana kay David. Iniiwasan niyang mapasulyap sa gawi ni Brenda, pero nakikita niya sa kanyang peripheral vision ang hindi maipinta nitong mukha. She doesn’t care! Hump!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD