Nang matapos kumain nina Yana. Nagyaya sa kanya si Clyde na gusto raw nitong maligo sa pool. Napangiti si Yana. Lumapit sila sa kinaroroonan ng tatlong binata. Kilala na niya si Moises. Maliban sa isang lalaking kasama nina David. Hindi niya kilala ang naturang lalaki. Nag-tama ang kanilang paningin. Matagal bago ibinaling ni Yana ang tingin sa kulay asul na mga mata ni David na tila ba parang tinatantiya ang kanyang mga kilos. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa mga tinging ipinukol nito sa kanya. "Come on, Mama! Magpaalam tayo kay, boss," si Clyde sabay hila kay Yana sa kinaroroonan ni David. "Boss, okay lang ba na maligo kami sa pool? Siguro naman may malaking pool kayo, malaki ang bahay niyo kaya imposibleng wala," tugon ni Clyde kay David. Napangiti si Moises sa narinig. Si

