Ford GT ang gamit nina Yana at David patungo sa lugar kung nasaan ang mga katutubong Aeta. Nakasunod sila sa grupo ng MCGI. Lihim na na-excite si Yana. Ang kaninang pangamba na nasa kanyang puso ay biglang naglaho. "Hindi ko akalain na ganito ka pala ka mapagbigay sa mga dukha, sir David," turan ni Yana. Mapapansin na malayo na ang kanilang narating. Halatang malayo sa siyudad ang naturang lugar na kanilang pupuntahan. "Dahil, ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon. Hindi ko ito ginawa para magparangalan sa kahit na sinuman. May nag-udyok lang sa'king puso na sila'y matulungan. Bilang ganti sa mga blessings na natatanggap ko mula sa Dios," seryosong sagot ni David. Hindi akalain ni Yana na marinig iyon sa mga labi ng binata. Napaka-misteryoso talaga ng mga Montenegro. Kalat

