Tinanong agad ni Astrid ang isang nurse sa kinaroroonan nilang departamento, ang nursing administration, the department in the hospital that is somehow overlooked by patients. "We're looking for Yana Macaraeg," sumamo na tanong ni Astrid sa nurse. "Ano pong pangalan nila ma'am, ka anu-ano niyo po ang pasyente?" magiliw na tanong ng nurse kay Astrid. Nakikinig lang si Adam habang nasa likuran ng dalaga. "A friend of her, I'm Ashley Sandoval," pagsisinungaling ni Astrid, ngunit iyon talaga ang identity na ginamit niya para hanapin ang nawawala niyang kapatid. Malungkot na tinitigan siya ng nurse. "I'll apologize ma'am Ashley pero wala po sa listahan ang pangalan niyo, mahigpit pong pinagbabawal ng anak ng may-ari ng hospital na ito ang pagtanggap ng bisita at tanging nasa listahan lang n

