"Brewed coffee," ani David sabay sulyap sa dalaga. Lihim siyang naaaliw sa reaksyon nito. Nagtataray ang kanyang minamahal. Tumayo ito saka diretsong naglakad. Nang makalapit na ito sa kanyang gawi. Maagap na masuyo niyang napigilan ang isang braso nito. "Stop pouting, you're not cute," pang-aasar ni David sa dalaga. "Magtitimpla pa po ako ng kape niyo," hindi ngumingiting tugon ni Yana sa binata. Ngumiti si David. He was enjoying seeing her pouting and the way how her forehead creased. Pero agad ding nawala ang ngiti niyang iyon nang mapasulyap sa folder na magpahanggang ngayon ay hindi niya parin niya binubuksan. Hindi niya matanggap na si Yana nga ang spy sa kanilang kompanya. "Let me go!" pukaw ni Yana sa binata at pumiksi mula sa pagkakahawak dito. Lihim talaga siyang naniniba

