Ikinasal nga sina David at Yana sa pangalawang pagkakataon. It's a formal wedding kung saan ang saksi ay ang pamilya Montenegro. Simpleng kasal na pangarap ni Yana. "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride," ani ng judge. Sumigabong ang palakpakan. At nag-start agad ang simpleng kasiyahan. May picture taking, ilang palaro, at ibat't iba pang aktibidad na naging nagsilbing bonding na rin ng ilang mga Montenegro. Mapapansin na ginulo ng judge ang buhok ng batang lalaki na sumigaw kanina ng kalbo. Walang iba kundi ang anak ni Isaac at Lily. Mapapansin ang kasiyahan sa mukha ng dalawang ikinasal. Dinumog ng ilang mga pagbati sina David at Yana. Ang baby nilang si Elijah ay kasalukuyang hawak ng mga kababaihan. Mga asawa ng mga kapatid ni David na lalaki. Pinang

