Saka lang na-realize ni Yana na sobrang PDA ng mga salitaan nila ng binata. At talagang may audiences pa sila at listener. What the! Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang dalawang-pisngi. Walang sabing naubos niya tuloy ang pagkaing nasa kanyang harapan. Nahihiya siya sa mga ilang katulong. Damn! "I'm done," ani Yana at nagpaalam na sa binata. "Don't forget to take your vitamins," paalala ni David sa dalaga. "Manang, paki-timpla mo na rin siya ng gatas at dalhin mo nalang sa kwarto niya. Magpahinga ka na rin, Yana. Hindi maganda sa buntis ang magpuyat," seryoso pa ring tugon ni David. Tumango lang si Yana. Pagdaka'y tinungo ang grand staircase para puntahan ang sariling kwarto. Pagkapasok niya'y sumalampak agad siya sa malambot na kama. Pagdaka'y muli siyang bumangon para maligo.

