"Saan ba kasi tayo pupunta?" takang tanong ni Yana kay David. "Sa sarili nating bahay, regalo nina Mama at Papa sa'tin. Dadalhin kita do'n at baka may nais kang palitan. O 'di kaya'y mga suggestions. After that, pupunta tayo sa bahay nina Mama at Papa pag-usapan ang ilang preparation para sa kasal natin," ani David sa dalaga. "Wala na akong oras pa para d'yan, David. At mas nanaisin ko pang si tita Levi na lamang ang bahala sa lahat since s'ya ang may alam sa mga ganyang bagay, alam mo naman ang anak mong si Phoenix lagi na lang ako nitong hinahanap," tugon ni Yana, saka n'ya binalingan ang seryosong anak na ngayo'y tahimik lang habang naglalaro sa hawak nitong laruan. Kasalukuyan itong nasa kanyang kandungan. "Alright, tatawagan ko na lamang si Mama," ani David. "Salamat naman kung

