Eksaktong lunch break. Agad na nilapitan ni Conner si Yana nang lumabas ito sa sarili nitong opisina. Nagulat pa nga ito nang makita siya at ibigay niya adito ang dala niyang chocolates at flowers. "C-Conner, napasyal ka?!" bulalas ni Yana. Hindi niya inaasahang makitang muli ang gwapong binata. Tinanggap niya ang dala nitong bulaklak at ilang imported na chocolates. "Yes, to see you and to invite you a dinner date after your working hours, if that's okay with you," walang paliguy-ligoy na tugon ni Conner sa dalaga. "Oh, ang bilis naman ata, hindi ba pwedeng mag-preno saglit?" biro ni Yana sa binata. "I hate paliguy-ligoy. Gusto ko direct to the point," nakangiting sagot ni Conner. Mula sa kanyang opisina ay lumabas si David. At sumalubong sa kanya ang tagpo nina Yana at Conner. H

