Kabanata 86 Halos sumasakit ang ulo ni Yana sa walang-sawang pagsama ni David sa higad na si Brenda. Damn it! Kumukulo ang dugo n'ya sa tuwing nakikita ito. Nawala na tuloy s'ya sa kanyang ginagawa. Imbes na tapusin ang pinagagawa ni David sa kanya. Inis na pinabayaan n'ya lang ang ilang papeles. Alam n'yang sinasamantala ni Brenda ang pagkakataon. "Sweetheart, I need all the files," ani David sa intercom. Napanguso si Yana. "Hindi pa ako tapos," asik n'yang sagot sa asawa. Napangisi si David. Bakit parang galit ang boses nito? Hindi kaya't nagselos ito sa kanila ni Brenda? Hindi ba't nagkausap na sila nito tungkol doon? Minsan naman si Yuhan ang nakakasama n'ya. 'Yan ay kung wala si Brenda. Mula sa kanyang swivel chair tumayo si David. Lumabas s'ya sa kanyang opisina at tinungo an

