Nagtatakang lumabas mula sa banyo si Yana. Pansin n'yang tahimik ang opisina ni David. Nasaan na kaya ang binata? Napasulyap s'ya sa relong pambisig. Ala una na pala ng hapon. Naalala niyang bigla ang batang genius na si Clyde. Kumusta na kaya 'yon? Napasulyap s'ya sa couch. Napatakip s'ya sa kanyang bibig. Oh, no! Ang bag ni Brenda na ngayo'y pinagpiyestahan ng pulang Langgam. Natawa si Yana, paniguradong nakagat na ang bruha. Teka, nasaan na kaya si David? Nagmamadali s'yang lumabas nang opisina ng binata. Nang makasalubong n'ya ang ilang kasamahang employees, nagtanong agad s'ya. "Napansin mo ba si sir, David?" "Umalis kasama si Brenda," sagot nito. Nakagat ni Yana ang pang-ibabang labi. Naisahan s'ya ni Brenda. Meaning, masosolo ulit nito si David? Argh! Inis na tinungo n'ya ang k

