Kinabukasan, maagang nagising si Yana. Napagpasyahan niyang isama na lamang si Nicky, total hindi naman ito makulit na bata. Siguro naman i-consider na iyon ni David. Sana nga lang talaga. Mahirap pa namang pakisamahan ang boss n'yang bugnutin. Pero kung itatago n'ya si Nicky sa sarili n'yang opisina hindi iyon malalaman nang binata. Alas singko 'y medya pa lang ng umaga ay naligo na si Yana. Pagkatapos ay nagluto na s'ya ng kanilang kanin at ulam. Inihanda na rin n'ya ang kanilang baon for lunch at ilang sandwiches at snacks para kay Nicky kung sakaling magutom ito. Siyempre hindi malilimutan ang tubig. Umakyat na rin si Yana sa taas para gisingin si Nicky. Binuksan n'ya ang kwarto nito. She found him peacefully sleeping. Napangiti s'ya. Dahan-dahan n'yang ginising ang bata. "Wake up,

