Cassidy POV
Umuwi ako ngayon sa mansyon nila tita
Kakagraduate lang namin last week ng aking pinsan na si maddy
At ngayon pinatawag kmai ni tito may sasabihin daw ito
Naku , ano kaya yun
Kinakabahan ako
Hindi pa nga ako nakakapg-alam na gusto ko magtrabaho kay senator de guzman , parang gusto na nila kaming magtrabaho doon sa kompanya nila tito
Ngayon papunta ako sa hardin dahil sabi ng isa sa mga katulong nila tita nandito daw si maddy
Ng makarating ako doon nakita ko ang mapanuksong ngiti nito, yung ngiti na may kasamang pag-aasar, napano ba ito
Bakit ganoon nalang ang ngiti para nagtagumpay sa isang labanan
Meron ba itong alam , na hindi ko alam
May ginawa ba itong kalokohan
Nasanay na ako may pagkapilya ang aking pinsan
Partner in crime niya kasi ako
At madalas sinasalo ko ito sa mg kapilyahan nito
Kaya siguro naging super close namin
Natatandaan ko pa noong bago ako dito, ayaw na ayaw nito ako, mayy mga sinabi pa nga ito na masakit na salita at naalala ko pa ng sabihin nito na inaagaw ko ang atensyon ng kanyang ina at ama
Siguro dahil matataas ang aking marka at masunurin ako kina tita
Pero kalaunan nakasundo ko na ito, ng simulan ko itong turuhan sa mga subject na nahihirapan ito, at ng simulan ko itong pagtakpan para hindi mapagalitan
Simula noon nagbubukas na ito ng saloobin sa akin
Simula sa mga hinanakit nito at lihim na pagkagusto sa lalaking mahal na mahal nito
Ng tignan ko itong muli , nakita ko ulit ang mapaglarong ngiti nito
Baka tama ang hinala ko baka may ginawa itong kapilyahan
Hala lagot na niyan kami kay tita , pag nalaman nito ang kapilyahan na ginawa nito
Parang alam nito ang naglalaro sa aking isipan
“wala akong ginawang masama “ sabi nito na may pilyang ngiti sa labi
Napakunoot ako , totoo kaya ang sinabi ng aking pinsan
Kasi kapag nakita ko ang pilyang ngiti nito kinakabahan ako
Alam kong may mali, may ndi tama , ano nga ba?