"Niara," he called softly and kissed my forehead. Nakatungo lang ako at nakatanaw sa nakakuyom kong kamay sa sofa. Hindi ko magalaw dahil hawak niya ang pulsuhan ko at pinipigilan niya akong makawala. His long legs are wide apart and I'm in between them, sitting like a scared kitten. Tumahan na naman ako pero may sama ng loob pa rin at hindi makatingin sa kaniya. Nagbuntong-hininga siya at hinaplos ang braso ko pataas, nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya. "I'm sorry," ulit niya sa napapaos na boses. "I didn't tell you because it's not important. I'm gonna reject it eventually so...I don't want you bothered by it. I didn't know you...knew." Inuulit niya na para bang hindi ko narinig kanina, para bang gusto niyang mas maintindihan ko ang reasons niya kaya inuulit niya. Pero nanatili

