Chapter 28

1864 Words

"Ano 'yong drama mo ro'n? Uuwi naman ako, e. Tinatapos ko lang ang laro para makabawi naman ako!" Padaskol kong sinarado ang pinto at galit siyang binalingan, mukha rin siyang galit at mukhang lasing pa. Amoy alak at sigarilyo rin. Hindi ko napigilang hampasin ang mesa sa inis at sumigaw. "Drama!? Mama, gabing-gabi na nando'n ka pa rin at wala man lang pagkain dito! What do you want me to do? Ako pa ba ang magsasaing? At bakit naninigarilyo ka na? Hindi ka naman naninigarilyo dati!" Nahawa na yata siya sa mga kapitbahay namin. Sumama ang mukha niya at napapamewang siya. Hinampas din niya ang dingding naming kahoy at dinuro ako. "Ang yabang mo naman! Porque binibigyan mo ako ng pera sinisigawan at pinapahiya mo na agad ako. Aba, Niara! Hindi ko hiniling sa'yong bigyan ako ng pera, ikaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD