Napabuntong-hininga ako nang makita ang nakangising si Myla pagkababa ko ng kotse ni Quin. Alas nuebe na pero buhay na buhay pa rin ang skinita. For a moment, I missed the lively spirit of the place although it's noisy. The smirking Myla immediately reached my place and she greeted me with her usual high tone. "Niara, umuwi ka na rin! Saan ka galing, hinanap ka kaya ni tita," aniya at tumingin sa loob ng kotse. Hindi pa rin 'to nakakaalis. Tinignan ko si Myla and did I hear it right? Hinanap ako ni mama? "Ito ba 'yong boyfriend mo? Teka gusto kong makita ang mukha." Sinilip niya si Quin at nakabungisngis lalo. "Ang gwapo! Gago ang gwapo, Niara!" "Myla?" Nasapo ko ang noo dahil sa ingay niya, lalo pa siyang napatili nang lumabas si Quin sa sasakyan. I pursed my lips and arched my bro

