The tears I cried made me numb and exhausted, but his soothing voice sounds like an endless comfort. It was soft and gentle and warm. Kahit ang yakap niya at mumunting halik. Masakit ang dibdib ko, parang pinipiga at dinudurog ang laman. Marahan niyang pinahid ang luha sa mata ko, mabilis at malalim pa rin ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Pero unti-unting tumahan. Tinulak niya ang sarili para umangat ng kunti, para mas matititigan ako. Hindi ko siya matignan ng maayos, kinakahiya kong nakita niya ako sa ganitong kalagayan pero may parte sa akin na masaya dahil nakita niya. Siguro dahil gusto ko talagang makita niya, para mas maintindihan ako. The pain and sadness in his eyes was so evident, it was like a mirror of my soul. The sorrow, forlorn and regret gleamed with bloodshot eyes. His

