SOL Habang papalapit kami sa kuwadra ay tanaw ko na ang dalawang lalaki na may hawak na kabayo. Yung isa ay kulay brown at yung isa naman ay kulay puti ngunit itim ang buntot. Sanay akong sumakay sa kabayo dahil sa naging misyon ko sa probinsya at kasama rin ito sa naging training namin sa TAJSO. “Baby, sa akin ka na sumakay. Baka hindi ka marunong—” “No, kaya ko Lean.” “Are you sure?” Tumango ako sa kanya at nang makalapit na kami sa kabayo ay kaagad kong kinuha ang renda nito at mabilis akong sumampa. Kita ko pa ang gulat sa mata ni Lean. Dahil walang kahirap-hirap ko itong ginawa kahit malalaki ang kabayo. “I’m sorry Lean.” Napatigil siya sa akmang pagsakay sana sa kabayo at tumingin sa akin. “I’m sorry pero hindi ako papayag na basta na lamang tumakas!” Mabilis na sini

