MFMTB 1

1115 Words
SOL “Mr. X, kailangan ko ba talagang suotin ang wig na yan? Ang chaka kaya! Kapag sinuot ko yan kulang na lang sa akin backpack ni dora.” Reklamo ko nang ilatag niya sa ibabaw ng mesa ang mga kakailangan ko sa pagmamanman sa isang malaking bahay ng mga Montenegro. Yun ang susunod kong misyon. At kailangan kong suotin ang wig na kamukha ng kay dora. “Alam mo kasi, nakakasilaw ang ganda mo. Kaya kailangan mo yan para hindi ka mapagkamalang foriegner model.” Pambobola niya pa sa akin. Hinawi ko ang mahaba kong buhok na bagong rebond pa man din. “Alam ko naman yun Mr. X. Hindi niyo na ako kailangang gawing siopao.” Naiiling na umupo sa swivel chair si Mr. X. At muling bumaling sa akin. “Mag-iingat ka Sol, hindi ordinaryong tao si Walton Montenegro. Kaya hindi siya madaling lapitan. Mahigpit ang bantay sa kanilang mansyon. At masyadong madulas ang lalaking yun. Kailangan nating mabulgar ang tinatago niyang yaman mula sa illegal niyang negosyo na nakapangalan sa mga galamay niya.” Paliwanag ni Mr. X. “Okay Mr. X, aalis na ako. Ciao!” Apat na oras din ang aking ibinyahe bago makarating sa Quezon province. At napagod ako ng sobra kaya humanap ako ng hotel na puwede kong mapagpahingahan. Sakto naman na maraming white beaches dito kaya pumili na lamang ako ng mas magandang beach resort. Sa isang araw ko pa naman uumpisahan ang aking mission na ibinigay sa akin ni Mr. X. Simula pagkabata ay namulat na kami sa delikadong buhay. Ang daddy Nathan ko ay agent ng underground secret organization. Ngayon ay isa na siya sa senior agent trainor official ng TAJSO. Si mommy naman na dating assassin ng mayamang pamilya ay tumigil naman sa bahay. Siya ang nagtraining sa amin noong mga bata pa kami dahil madalas kaming nabubully sa school. Kaya simula nang naka-graduate kami ni Luna ang identical twin ko. Nagtraining kami bago maging ganap na assassin agent ng TAJSO kasama ang labin-limang individual. Ang TAJSO ay organization na binuo ng dating presidente upang tumulong sa mga authoridad na puksain ang mga illegal na negosyo kremin at drugs na pumapasok sa bansa. Kaya ngayon ay panibagong misyon na naman ang haharapin ko. At sa tingin ko, ito ang isa sa pinakamahirap na misyon ko. Sa balesin island beach ko piniling mag-stay pansamantala. Kumuha ako ng isang villa at pagkapasok ko ay nagpahinga na ako dahil sa pagod. Kinabukasan maaga akong gumising para lumabas sa villa. Gusto ko ding lumanghap ng masarap na hangin sa labas. At napa-wow ako sa ganda ng resort. Fully develop na kasi ito at sa tingin ko marami din silang aminities dito. Kapag natapos ang mission ko ay babalik ako dito at isasama ko ang pamilya ko. Pagkatapos kong mag-exercise sa labas ay bumalik na ako sa villa para kumain. Naligo muna ako sa shower habang ina-antay ang food. Pagkalabas ko ng banyo ay sakto namang narinig ko ang doorbell kaya binuksan ko ang pinto. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ulit ako. Suot ang see through maxi dress ko na hangang talampakan ang haba. At may two piece bikini naman akong panloob. Nilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay ako ng mapulang lipstick sa labi. Nagsuot din ako ng shades dahil mataas na ang araw sa labas. Dumarami na rin ang mga naliligo sa beach. May mga mag-jowa pa akong nasasalubong magkahawak ang kamay at sweet na sweet sa isa’t-isa. Kung hindi ako nakasuot ng shade makikita siguro nila ang nakataas na kilay ko sa inggit. Well sana lang makatagpo din ako ng lalaking para sa akin. Malas ata ako sa lalaki, maganda nga ako pero hindi ko naman mahanap yung lalaking magpapatibok ng puso ko? Naagaw ng attensyon ko ang lalaking nakaputing polo. Nakasakay siya sa yate at nakatingin din sa dereksyon ko. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil may suot din siyang shades. Ngunit may dumating at inabutan siya ng isang wine glass. Sa tingin ko kambal din sila dahil pareho sila ng physical features! “Wow? This is it!” Bulalas ko. Hinubad ko ang maxi dress ko at pati na rin ang shades ko. Iniwan ko ito sa malaking bato at inumpisahan kong ihakbang ang sexy kong katawan sa malinaw na tubig dagat. Pagkatapos ay lumangoy ako patungo sa malalim na part ng dagat. Ngunit hindi talaga yun ang intensyon ko. Subukan kong makalapit sa yate upang makita kong mabuti ang mukha ng dalawang lalaking yun. Pansin ko din na hindi nila inaalis ang tingin sa gawi ko at parang pinag-uusapan nila akong dalawa. “Lord, ang bilis mo naman sumagot.” Nangingiting lubog ko sa tubig. Sumisid ako ng matagal sa ilalim ng tubig. At ipinakita ko lang naman kung gaano ako kagaling sumisid. Pagkatapos ay nag-floating naman ako. Hindi ako nagpahalata na nagpapansin sa kanila pero sa tingin ko ay sa bawat paglangoy ko sa akin din nakasunod ang mga mata nilang dalawa. Okay na sana, ngunit may dalawang bruha na lumabas. At kakapirangot na string bikini lang naman ang mga suot nila. Badtrip! May mga jowa na pala. Sayang…akala ko pa naman magkakabingwit na ako ng yummy daddy. Tsk! Bigo akong umahon sa tubig at dinampot ko ang aking dress. Nawalan na ako ng gana. Muli akong bumaling sa kanila ay nakairap akong tumalikod. Pagbalik ko sa villa ay naligo na lamang ako at binuksan ang laptop para sa magiging plano ko. Hangang sa nakatulog na naman ako. Nang magising ako ay gabi na. Lumabas ulit ako upang maghanap ng restaurant na puwedeng kainan. Ngunit habang naglalakad ako ay may nakita akong kumakawag sa dagat. Hindi na ako nagdalawang isip na takbuhin ito. Mabilis akong lumangoy patungo sa kanya. At nagulat ako dahil batang babae pala ang nalulunod! Mabuti na lamang naging mabilis ang pagkilos ko. Kaagad ko siyang dinala sa gilid ng dalampasigan. “Okay ka lang?” Hingal na tanong ko sa kanya. “S-salamat po…” Naiiyak na sambit niya. Habang habol din ang paghinga at pag-ubo. Sa tingin ko ay nasa eight years old na ang batang babae. May lumapit sa amin na sa tingin ko ay life guard ng resort. “Manong pakihatid siya sa kanyang pamilya.” Utos ko kay manong na kaagad namang dinaluhan nito. Wala akong choice kundi ang bumalik sa villa dahil nabasa na ako. “Miss?” Tumigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ng lalaki. Akmang lilingunin ko na sana siya ngunit may sumalubong sa akin na babae. “Renzo! Where have you been? I’ve been looking for you.” Nakangiting bulalas ng babae. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paghakbang palayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD