Agad niyang pinasibad ang sasakyan palabas ng bahay nila. She doesn't care anymore like how her family does. Malakas ang t***k ng puso niya, maging ang daloy ng kanyang mga dugo sa katawan. Gustong-gusto na niyang mayakap man lang si Bran dahil para na rin niyang nayakap ang anak. Galing itong Australia at naroon ang anak niya, malamang ay panay ang karga nito sa anak niya at hindi pa nawawala ang amoy ng anak niya sa dibdib nito. Nagsimulang dumaloy ang luha sa mga pisngi niya na agad niyang pinahiran ng kamay dahil nagmamaneho siya. Kahit naman na anong kamalasan ang mangyari sa kanya ay natatakot pa rin siyang masaktan lalo na sa pisikal. Masakit kaya masugatan lalo na kung magka bali-bali pa buto mo. Agad naman na siyang pinapasok ng gwardya nang marating ang village ng bahay ni Bran

