It's already midnight but Bran's not back yet. Gusto niya pa naman sana na mapag-usapan ang pagbabalik niya ng Pilipinas kung kailan. Ayaw niya man sana na iasa ito kay Bran, wala na ring iba pang paraan. Hindi siya makatulog dahil maliban sa paghihintay ay kinakabahan din siya. Wala itong sinabi na may mabigat na problema pero sa tingin niya ay meron. She closed her eyes, trying to sleep when she heard a car beep. Agad siyang tumayo matapos marahan ang halikan ang pisngi ng natutulog na anak. Lumabas siya at tinawag ang tagapagbantay ni Kaleb para samahan na muna ito sa kwarto at bababa siya. Narinig niya ang nagmamadaling mga yapak na parang may emergency. Sunod ay ang nagmamadaling lakad ng ina ng lampasan siya mula sa sariling kwarto nito. May pag-aalala sa mukha kaya hindi na rin

