Anong oras na ay hindi pa rin siya makatulog nang gumabi. Umalis si Bran kasama ang mga kaibigan nito. Nagpaalam na may aasikasuhin lang daw ang mga ito. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan at hindi mapakali. Maliban sa medyo may tama na rin siguro ang mga iyon dahil uminom ang mga iyon. It's already 11 in the evening. Gusto niyang bumaba para makuha ang sarili ng tubig pero tinatamad siyang bumaba ng hagdan. Ayaw naman niyang mandisturbo ng mga katulong dahil nagpapahinga na ang mga ito panigurado. Nang may narinig na ugong ng sasakyan ay agad niyang dinungaw mula sa glass window ng kwarto. Sasakyan nga ito ni Bran. Pinakalma na lamang niya ang sarili at muling humiga sa kama para kunwari ay nagising lamang siya sa pagdating nito. "Ang tagal naman!" mahinang reklamo niya. I

