Panay ang suyo nito sa kanya pero kahit okay naman na siya ay hindi niya pa rin magawang kausapin ito. Hindi niya lang mapapatigil ang kaba niya sa nangyari. Dahil hindi niya alam kung ilang araw ang bibilangin niya para malaman ang resulta ng ginawa nito. Mapapatay siya ng ina niya at mga humanga sa kanya sa showbiz. "I won't run away if you'll be pregnant. I promise. We will face it together…" Hinarap niya ang lalaki at niyakap. She hid her face on his nape. She'll be dead. Hindi nga niya alam kung magiging mabuti siyang ina dahil hindi pa siya handa at wala kailanman sa plano niya na mabuntis. Marami na ang mga batang nagdurusa sa mundo at ayaw niyang maging dahilan na may isa na namang bata na magdusa sa ilalim pa ng pangangalaga niya. Wala siyang kakayahan maging ina. Alam niya iyo

