Matapos nilang kumain ay sila na mismo ang nagbaba ng mga pinagkainan nila. Gusto pa sana niyang maghugas ng pinggan nila dahil sanay naman siya na hinuhugasan agad ang mga ginamit dahil kanya-kanya sila sa bahay nila. Sino naman kasi ang pag huhugasin nila, malabong ang kanilang ina at baka masira ang manicured nails nito. Kahit ganoon ay may bahagi sa kanya na na-miss ang ina. Naupo lamang sila sa may likurang bahagi ng bahay na may mga upuan at sariwang hangin mula sa mga puno na bahagi ng bahay nila. May malaya ring mga langgam sa paligid. Hindi eksaktong malaya dahil hindi pa rin sila makakalabas dahil sa mga harang. Nakaka-relax kaya nang pinatawag si Bran sa study raw ng ama nito ay nagpaiwan na siya roon. Hindi niya lang aakalain na papalit ang in anito sa kung saan nakaupo si B

