(Angie POV) Napatingala ako sa pumigil sa kamay ko nung tanggapin ko na sana ang kamay ni Mharl para sumayaw at nakita ko ang mukha ni Isaac. Di ko mabasa ang reaksyon niya. "Uwi na tayo. "He said calmly looking at me. Ngumiti si Mharl. "Sige, ako na bahalang magsabi kina Chase na umuwi na kayo. " Hawak parin ni Isaac ang kamay ko at di ko talaga mapaliwanag ang nararamdaman ko. Hirap na akong huminga. "Sorry. "Sabi ko kay Mharl. "It's fine. "Sagot niya at tiningnan si Isaac na kanina pa masama ang tingin sa kanya. Inalalayan na ako ni Isaac palabas ng Limelight. Paglabas sinalubong agad ako ng napakalamig na hangin. Kaya niyakap ko ang sarili ko. It's 1 am. Napatingin ako kay Isaac nung binalot niya ako ng coat niya at pinulupot ang braso niya sa baywang ko. "Hssss lamig.

