(Angie POV)
[Two weeks later]
Kakauwi ko lang galing sa school kung saan ako nagtuturo.
Tiningnan ko agad ang mailbox ko.
Haist. Bills na naman.
Water bill, electricity, rent, what the hell!
Hindi na sapat ang sasahurin ko para saakin. Maliit lang ang sahod ng pagiging teacher at di pa buo kapag sahod na, dahil sa insurance at kung anu anu pa.
Kailangan ko talagang humanap ng sideline.
Mangalakal na lang kaya ako. Arghhh or magbenta ng kahit ano sa school, ow no no no. Bad.
Hindi din pwedeng sasayaw ako sa club kapag gabi, haist guro kaya ako. Hayy buhay!
Mahirap magisa, ayaw ko rin namang umuwi saamin dahil sa maraming dahilan. Isa na dun ang favoritsm. Iwan ko pero ramdam ko na walang amor si Dad saakin kaysa sa mga kapatid ko. Feeling ko nga adapted lang ako ee.
Tsk!
Pumasok na ako ng bahay at binuhat si Sunrice, ang alaga kong tuta.
"Kumain ka na ba? Hmp halika kain ka na. "
Kinarga ko papuntang kusina si Sunrice at pinakain.
Iniwan ko si Sun at bumalik sa sala.
Dumapa na ako sa sofa at pumikit.
..
..
..
Nahulog ako sa sofa nung tumunog ang phone ko. Damn! Nakatulog ako!
.. Mharl Calling..
Siguradong itatanong nanaman nito si Gela saakin.
"Mharl? Napatawag ka? "
"Pupunta ba si Gela sa bahay mo mamaya? "Tanung agad ni Mharl, sabi ko na nga ba ee! Palagi naman ee.
"Hmp, di ko alam Mharl, tawagan kita kapag pumunta siya dito. "Mahinang sabi ko.
"Ah, OK ka lang ba? Bakit matamlay ang boses mo? "
"Alam mo naman kapag end of the month, diba? "
"End of month, diba sahod yun? "
"Haha ang sabihin mo bayaran ng utang! Kulang ang sahod ko pangbayad ng mga bills ko! Hayy gusto ko sanang magtrabaho sa gabi pero mukhang walang tatanggap saakin. "
I sigh.
"Talaga? May kaibigan ako, naghahanap siya ng makakasama sa bahay, kapag umaga nasa trabaho siya kaya ok lang kung gabi ka na rin umuwi, dapat unahan mo lang siya sa bahay, ipaghanda ng masusuot, makakain at sasamahan sa bahay. "
Napatayo ako.
"Talaga? Magkano ang sahod? "
"Maliit na yung 20k. "
"Oh no really. Anung requirements? Magaapply ako! "
Gosh this is it!
"Hmp bukas sa IA hotel meet tayo. Tiwala naman ako sayo ee, isip bata kasi minsan yung bestfriend ko at hindi kaya ang sarili niya. Kinukulit kasi ako at di ko rin matanggihan. "
"Mabait naman yata siya kaya, ok lang, kaylangan ko talaga ng trabaho at pera. Sana tanggapin niya ako. "
"Sige kita na lang bukas 6pm may duty kasi ako Anj. "
"Ako rin may class ako bukas. Sige bukas 6 pm. Anung dadalhin ko. "
"Wag ka nang magdala ng kung ano. Siguradong tatanggapin ka nun. "
"Talaga?Di nga?! Salamat talaga, hulog ka ng langit Mharly! "
Narinig kong tumawa si Mharl. Ang cute niyang pakinggan.
"Wala yun, ikaw nga ang hulog ng langit saakin ee dahil di na ako kukulitin ng mokong na yun. "
"Sige, late na matutulog na ako. Tawagan kita agad kapag nandito si Gel. Try mo ring itanung kina Malia at Chase baka kasama nila. "
"Sige Anj, goodnight. Sweetdreams. "
"Goodnight. Thankyou Mharl. "
"Thankyou too! Bye. "
.. Line Cut..
Si Gela? Hayy kung saan saang rakrakan kasi ang babaeng yun, hayy sana magkagustuhan sina Gela at Mharl siguradong titino na yung kaibigan kung yun.
Hayyy sana tanggapin ako nang bestfriend ni Mharl. Kapag tinanggap niya ako. Di na ako magbabayad ng tubig, kuryente at renta. Makakapagipon na ako ng malaki!
Oh my heaven!!!! Hooooo parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko.
Tumakbo si Sunrice papunta saakin kaya kinarga ko agad siya papunta sa tulugan niya.
..
Matapos maligo at nagpatuyo, nagpaginga na agad ako. Wooooh tsk can't wait for tommorrow! "
...
=Forward=
Nasa loob na ako ng IA hotel na pagaari ni Isaac.
Arghh naalala ko pa nung unang punta ko dito at naencounter ko si Isaac na hubad at, s**t hinalikan ako at pilit hinuhubaran.
Just thingking of it makes me feel hot. Isaac really a god of beauty! His apperance, body, looks, everthing about him. He is kind too, siguro, sana!
Sabi ni Mharl hintayin ko siya sa 10th floor, room 133. Binigay niya rin ang pin nang pinto ng room na limang zero. Haha naglagay pa siya ng pin ha. 00000
Nilibot ko ang paningin ko sa napakalaking silid. Lalaking lalaki ang silid at mukhang di lang isang lalaki ang mayari at gumagamit ng room na to, siguro group room nila to.
Napangiti ako habang nakatingin sa mga litrato nilang magkakaibigan. They're really close like us. Hmp.
Napalingon ako nung biglang bumukas ang pinto.
"Mharl? "
Laking gulat ko na si Isaac.
"What are you doing here? "Sabay pa naming tanung.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sabi ni Mharl, hintayin ko siya dito. "Sagot ko.
Ang gwapo niya sa suit niyang suot. Ang buhok niya, balat, pisngi, katawan, matangkad siya. Naalala ko tuloy ang hubad niyang katawan, lalo na yung hinalikan niya ako at pinainum ng tubig galing sa bibig niya, I mean from his mouth, naman oh.
Napalunok ako.
Hoooooo deep breath!!
Naglakad ito papunta sa bintana at nagsindi ng yosi.
.. Napalingon kami pareho nung bumukas ang pinto at pumasok si Mharl.
"Arghh guys sorry for waiting! "Ani Mharl at naghubad ng coat.
Sabi niya six pm daw, mag 7 na ee. Teka! Saan na yung sinasabi niyang bestfriend? Wait di kaya si?!!!
"Anj magusap na kayo ni Isaac tungkol sa napagusapan natin. Siya kasi ang magiging boss mo! "
"Huh? What do you mean? Siya ang makakasama ko sa bahay?! "Gulat na utal ni Isaac..
Ang OA ng reaksyon niya, ako nga ee nagulat rin.
Bakit di ko agad na isip yun. Narinig ko na silang naguusap tungkol sa assistant, damn bakit di ko inisip at tinanung man lang si Mharl? Subrang excited ko kasi.
"Bro lets talk. "Ani Isaac tiningnan ako at lumabas na ng pinto.
"Excuse Anj. "Paalam ni Mharl.
Hayyy tsk halatang di niya ako gusto! Ayaw ni Isaac na makasama ako sa bahay. Binagsak ko ang sarili ko sa sofa.
Disapointed ako, pero mukhang mas disapointed si Isaac.
Hay wala ng pagasang makaipon pa ako.
Tumayo ako at dumungaw sa bintana. Napakaganda sa labas at ang langit. Ang ganda dito sa taas ng IAuberge hmp.
Mayamaya pa pumasok na si Mharl at Isaac.
"Akin na! "Sabi ni Isaac saakin.
"Ang anu? "
"Duplicate ng susi sa bahay mo. Galing sa school dumeretso kana sa bahay ipapakuha ko bukas ang mga gamit mo. "Ani Isaac bigay saakin ang papel, address yata ng bahay niya.
Tiningnan ko si Mharl habang nagtitimpla ng kape.
"Akin na sabi. "Taas kilay ni Isaac.
Dinukot ko sa bag ko ang susi at binigay sakanya ang isa.
"Pagusapan na natin ang tungkol sa trabaho mo. "
"Sige! "
"Diba nagtuturo ka at ang pasok mo 7am to 4pm,right? "
"Yeah. "
"So gigising ka ng 6 am at ihanda ang kakainin ko dahil papasok ka ng 7 at ako 10. Sa gabi 4 pm ang labas mo ng school at ako 10 up na ako makakauwi, gusto ko paguwi ko nasabahay ka na, ayos na ang gagamitin ko pagkaumaga at nakapagluto na. "Dagdag pa niya.
Now he sounds like my boss already.
"Get it Angie?! "
Tumayo ako at yumuko.
"I get it, simula bukas aalagaan na kita Sir! "
Natahimik siya kaya tiningnan ko siya. Nagabot ang mga mata namin. Ang malamig niyang mga mata.
"Isaac o Sac na lang ang itawag mo saakin. Umuwi ka na at ayusin ang mga gamit mo. "
Tumango ako.
"Mharl I'm going, thankyou. "Paalam ko kay Mharl. Kailangan ko pang kausapin ang nererentahan ko.
"Hatid na kita Anj. "Ani Mharl at sinundan ako. Nilingon ko muna si Isaac bago lumabas ng pinto kasama si Mharl.
Tommorrow makakasama ko na si Perfect Prince sa iisang bahay!
***