(Angie POV)
"Pwede ba kitang maisayaw? "Tanung ni Isaac sa akin abot ang kamay niya. Nagulat talaga ako dun.
Si Isaac? Isasayaw ako?
Nasa Limelight Club kami, Malia, Gela at Chase.
Bigla lang lumapit ang grupo nina Isaac, Klaude, Mharl at dumating rin si Hale.
Nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa niyaya ni Mharl si Gela na isayaw.
Nakatingin lang ako sa mukha ni Isaac. He is cute, cool. Magazines and newspapers called him The Perfect Prince. He is acting like a prince. Polite, Respectful, Nice, Kind with beautiful face and sexy body. Well, first impression ko lang naman sakanya.
Tanggapin ko na sana ang kamay niya nung,
"Isaac, please go out with me. "Hablot agad ng babae sa kamay ni Isaac.
Napatingin kami sa kanya, may kasama pang dalawang babae ang babaeng kakalapit lang.
"Who are you? "Walang emosyong tanung ni Isaac sa babae.
"I'm Maen. Would you go out with me? "Dagdag ni Maen.
"Sure Maen. Kailan at saan mo ako dadalhin? "Ani Isaac.
Umatras ako para makagusap sila nang maayos. Umupo na lang ako at tinungga ang tirang alak sa baso ni Gela.
"So, wanna give me a dance? "
"Oh, where is she Sac? "
"Hmp, umuwi na yata. "
"You are really a prince. You look like one and doing the ways like a real prince. "
"I don't know why, pero ginagawa ko lang kung ano ako. I never act like a prince. I can't be a perfect prince, myself. Girls love me because of my apperance. "Sabi niya at kumuha nang upuan, umupo sa may likod ko. Talikuran kami. Naramdaman kong sinandal niya ang ulo niya sa ulo ko.
"Anu ka ba? Maganda rin ang ugali mo hindi lang ang katawan at mukha mo at magandang bagay din yung tuparin mo ang wish ng babae. Malaking bagay na yung maidate ka nila. "
Nabigla ako nung biglang hinarap niya ako.
"Let's dance! I'm bored as f**k. "
Ngumiti na lang ako at naglakad na papunta sa dancefloor.
Hinawakan ni Isaac ang baywang ko, ang tangkad niya buti na lang nakaheels ako.
Sumasayaw kami ni Isaac, nahihiya akong kausapin siya.
"You are really a cute one. "Aniya at pinatong ang mukha niya sa balikat ko.
Damn! Anu ba tong nararamdaman ko.
"You alright?! "Tanung ko sakanya at hinawakan ang buhok niya.
"I'm freezing. Gonna faint. "He said.
"What, don't joke around. Kung mahilo ka di kita kayang buhatin, ang laki mo kaya! "
Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Nanlaki ang mga mata ko sa titig niya. Pakiramdam ko nagaapoy ang mukha ko.
Shit.
Biglang nagkagulo sa loob, kaya napatingin kami ni Isaac sa gitna ng dancefloor.
"Damn! Klaude! "Utal ni Isaac at hinila na ako papalapit kina Gerald at Klaude na nagsusuntukan.Dahil kay Malia for sure.
Si Gerald nakabalik na pala.
Ang bilis ng pangyayari.
Nakinig lang ako habang nauusap sina Klaude at Isaac. Maya maya pa hinila na ni Klaude palabas ng Club si Malia.
Tatakbo sana ako para pigilan ang kaibigan ko. Pinigilan ako ni Isaac kaya nakatingin lamang kami kay Malia at Klaude paalis. Ang lakas ng loob ni Klaude palibhasa club niya to.
Tinanggal ko ang kamay ni Isaac at naglakad na papuntang restroom, dahil naiinitan ako.
..
Paglabas ko nang restroom nakita ko si Chase at Isaac na naguusap.
"Are you Ok? "Tanung ni Mharl saakin.
"Yeah, I'm fine. Siguro mauna na ako. "
"Sama na ako Anj. "Ani Gela.
"Sige Gel. "
"Puntahan ko muna si Chase, para makauwi na tayo. "Ani Gela at naglakad napunta kina Chase at Isaac.
"Pwede bang makuha ang number mo? "Tanung ni Mharl bigay ang phone niya.
"Sure. "Nilagay ko ang number ko sa phone niya.
"Anj ihahatid na daw ni Hale si Chasenut, mauna na daw tayo. "Ani Gela karga ang bag namin.
Sinulyapan ko muna si Isaac at Chase.
"Sige Mharl, kaw na magsabing umalis na kami. "
"Sure Anj, take care you two. "
"Sure, you too. "
.........
(Bahay)
"Gel what do you think about Isaac? "Tanung ko kay Gela subo ang sweetcorn.
"Hmp, he is kinda cute. My type. Haha "Sagot ni Gela strech ang mga paa.
"Arghhh. "
"Ayaw mo bang matulog? It's 2 am Anj. "
"Alam mo naman kapag nandito ka di ako nakakatulog. Ang sarap mo kasing kasama. "
"Ow, I'm flatter my best sis. "
"Kailan mo pala plano magkaboyfriend? "
Tumingala ako at pinatong ang mga paa ko sa sofa.
"Hmp, ikaw kailan mo balak magkaboyfriend? "
Ginaya ni Gela ang posisyon ko.
"Haha, you, Chase, Malia and I ay wala boyfriend sa ngayon. "Sabi ko at initsa ko sweetcorn at sinalo gamit ang bibig ko.
"Sino kayang maunang magkaboyfriend sating apat? "
"Sapalagay ko si Chase. "
"Sino naman? "
"Si Hale or Isaac. "
"I think Isaac is into you! "
"Haha, nuts. Hindi ako magugustuhan nun. Simple lang ako kumpara sa mga lumalapit at yumayaya sakanyang lumabas. "
"Sus, para saakin ikaw ang the best sis. "Ani Gela at pinatong sa balikat ko ang ulo niya.
"Sayo, pero kay Isaac Mcbride? Imposible. "
"Tsk, swerte niya kung ikaw maging girlfriend niya. "
"Baka ako ang swerte kung maging boyfriend ko siya. Mayaman, gwapo at mukhang mabait. Kaya lang ang daming prinsesa ni perfect prince. "
"Hmp di ko masisisi ang mga babaeng yun. Tsk mayaya nga minsan ng date si Isaac. Siguro di tatanggi yun. "
"Sira! Gagawin mo yun? "
"Yup at ikaw at siya ang pagsamahin ko. "
"Ah ah at makatulad kay Malia at Klaude. You sucks sissy! Haha. "
"Arghhh naguilty tuloy ako dun. "
"Nahh forget about it. Klaude is a nice guy. "
"But what if,
"Malia is smart girl, don't worry, ok? Kilala natin ang kaibigan nating yun. "
"Yeah, sana walang mangyaring masama sakanya dahil di ko talaga mapatawad ang sarili ko. "Gela sigh.
"Gel libre ka ba next next saturday? "
"Yup, what about tommorrow? "
"Checking ako. "
"Hirap talaga pag teacher. "
"Yup,trabaho sa school, at sa bahay, gabi at araw pero subrang naeenjoy ko. Gusto ko ang mga bata. "
"I know, sis. Nga pala saan ba tayo next next saturday ha? "
"Gusto kong lumabas at magbeach. "
"Malayo pa ang summer Anj. "
"Eh kasi parang naiinitan ako ee. "
"Dahil ba yan sa hotness ni Isaac. Hmp. "
"Sira! Gusto ko lang magrelax ng sandali. "
"Game,sana free sina Malia at Chase. "
"Kaya nga ee. "
"Tara na, tulog na tayo."
Tumayo na kami ni Gela para umakyat papuntang silid ng may nagdoorbell.
Tiningnan ko ang wallclock, 3 am. 3 am? Gosh, sinong nasa labas. Nagkatinginan kami ni Gela, nilock ang mga bintana at tumakbo na ng mabilis.
Imposibleng may magdoorbell pa sa oras na to. Di kaya multo, rapist o magnanakaw?
Napasigaw kami ni Gela nung tumunog uli ang doorbell.
....
Don't forget to click the little star and leave feedbacks.