WARNING SPG: Dali-dali akong lumuhod para hawakan si Rocky. Hinawi ko ang kamay niya sa kanyang ulo ngunit sumisigaw lang sya sa sakit. Hindi ko alam kong anong nangyayari dahil biglaan syang natumba at sumigaw. Sumulyap ako sa gilid at nakaupo si Matteo sa sahig habang hawak ang kanyang ibabang labi na may dugo. Tinulongan sya ni Jessica at Grace na tumayo. Sobrang sama ng tingin ko sa kanya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit sa kanya. Ibinalik ko ang tingin kay Rocky na hanggang ngayon ay umuungol parin sa sakit ng kanyang ulo. "R-Rocky? Okay ka lang?" gusto kong tignan ang mukha niya subalit nakayuko lang sya. "R-Rocky dadalhin ka namin sa hospital." suhestyon ko. Aakmang tatayo ako para mang hingi ng tulong ng biglaan niyang hinila ang isa kong kamay. "Huwag na--," nagin

