CHAPTER XXXII AGLAEA ROSEANNE ANG MALALAMBOT niyang mga labi at malalapad na mga kamay ay dahan-dahang lumalapat sa balat ko. Parang isa itong apoy na unti-unting tumutupok sa marupok kong katinuan. Bawat haplos niya ay sinasabayan din ng mga daing ko na animo’y nagsusumamo sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang dulot ng mga labi at kamay niya kapag nag-umpisa na itong humaplos at dumama sa bawat parte ng katawan mo. “Ah…” isang daing pa ang malakas na kumawala sa labi ko nang dumampi ang labi niya sa leeg ko. Mariin akong napapikit at mahigpit na kumapit sa bed sheet na kinahihigaan ko dahil ang bawat galaw niya ay parang nilulunod ako. Pakiramdam ko kapag bumitaw ako ay mahuhulog ako at tuluyang malulunod. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng lumapat ang labi niya sa

