CHAPTER 7

1224 Words
Matagal niyang iniisip ang kanyang secret admirer, o kung admirer nga bang matatawag 'yon. Nag-research siya ng meaning ng mga Spanish words na isinulat sa card at kinilabutan siya nang malaman ang ibig sabihin no'n. Te ama desde lejos  means I love you from a far. Amor sin fin means endless love. Wala siyang maisip na maaring magbigay sa kanya no'n. Pumasok na minsan sa isipan niya si Nathaniel Contreras pero agad niyang binura 'yon sa listahan. Alam niyang malayong gagawin ni Nathan 'yon. Siguro kung talagang type siya nito ay marunong naman itong mag-approach sa kanya.  Ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang bagay na 'yon, pero minsan pilit pa ring sumisiksik sa isipan niya 'yon. Like a flies chasing dirty trash cans. She never told anybody, not even her cousin Porsia. Natatakot kasi siyang mabisto ito ng tiyahin nila, napakadaldal kasi ni Porsia. Magalit pa ito sa kanya at mapapalayas siya ng wala sa oras. Bakasyon noon pero hindi ito typical na bakasyon para sa kanila. Abala pa rin sila palagi ni Porsia sa maliit na tindahan ng kanilang tiyahin. Nagulat pa siya isang araw nang may pumaradang mga motorsiklo sa tapat ng kanilang tindahan. Abala siya sa pagsalansan ng mga can goods sa estante nang magulat siya sa paglupasay ni Porsia. Kinabahan niya itong tiningnan. "Anong nangyari sa 'yo, Porsia? May masakit ba sa 'yo?" Natatakot niyang kinakapa ang noo nito at baka linalagnat na ito. Nagulat pa siya ng bigla itong bumangon at humawak sa dibdib nito sabay turo sa 'di kalayuan. "Hinihimatay ako 'pag makikita ko ang Contreras boys, sesh. Tingnan mo dali!" Hinayon niya ng tingin ang itinuturo nito, at biglang dumagundong ang kanyang dibdib ng kaagad matuon ang paningin niya kay Tyler na naghuhubad sa suot nitong helmet. Bumagsak ang mamasa-masa nitong buhok dahil sa pawis. Kitang-kita niya iyon mula sa screen na dingding ng tindahan. Parang ang lakas yata ng sixth senses nito dahil tumingin din ito sa kinaroroonan niya nang maramdaman na nakatitig siya. "O anong sabi ko sesh. Parang gusto kong magbantay sa tindahan na ito ng mangkukulam kapag may dumadaan na maiinit na mga lalaki," sabi nito na hinahaplos-haplos pa ang hawak nitong isang lata ng condensed milk. Doon naman siya natauhan nang marinig ang sinabing 'yon ni Porsia. Hindi niya napigilang batukan ito. Nahaplos nito ang nasaktan na ulo. Pero agad naman itong kumilos at lumabas ng tindahan. Sinubukan niyang hawakan ang damit nito pero parang kidlat ito sa bilis na lumapit sa lima. "Hi boys, welcome to our small world. We do massage, hair cut, pedicure, manicure, etc.! Ay sorry mali pala, baka gusto n'yo ng malamig na inumin? 'Yon lang pala meron kami," madaldal nitong sabi na ikinatawa naman ng apat, maliban kay Tyler na dito nakatingin sa loob ng tindahan. Ayaw niyang isipin na siya ang tinitingnan nito. Baka hinahanap lang nito ang sinasabi ng pinsan na walang kabuluhang bagay. Salubong pa ang kilay nito habang nakatitig sa tindahan nila. Matapobre talaga.  Lumabas siya para awatin si Porsia. Nakakahiya kasi. Pero doon lang siya sa pintuan ng tindahan tumayo. Nakita niyang kinawayan siya ng apat. Nahihiya siyang gumanti ng ngiti. Ano naman kasi ginagawa nila dito? "Do you have cold bottled water inside?" Narinig niyang tanong ni Dean kay Porsia. Aligaga naman na sumagot ang pinsan. "Anything for you. We have cold water, warm water, and hot water," sagot nito na hindi malalaman kung kanino titingin sa limang lalaki. Parang sarap nitong batuhin, nakakahiya sa pinangagawa nito. "Me, too. Please," sabi naman ni Nathan. Humingi na rin sina Apollo at Joaquin. Walang imik lang si Tyler. "How about you Tyler?" Tanong dito ni Joaquin. Umiling lang ito. Ipokrito talaga, inisip siguro na madumi paninda nila. Ang arte! "Wala naman sigurong gayuma paninda n'yo dito, right, Alex?" Natatawang sabi ni Apollo sabay tingin sa kanya. Natawa na rin ang apat, except sa isang parang broken hearted ang itsura. Para bang galit na galit sa buong mundo. "Kung may gayuma man, I'd love to be under that spell," sagot ni Nathan na mas lalo lang ikinatawa ng tatlo. Si Tyler siguro wala itong feelings ano? Tawang-tawa na kasi mga pinsan nito ay hindi man lang ito nangingiti.  Dumaan si Porsia sa tabi niya para kumuha ng tubig sa loob. Pasekreto niya itong pinagalitan. "Ano ba 'yang pinanggagawa mo Porsia, nakakahiya." "Ay sa panahon ngayon sesh, laganap na ang magic landi. Sino ba hindi malalandi kapag iyang mga 'yan ang kaharap mo, 'di ba? Wala naman dito si Hitler kaya may oras tayo maglandi. Isa pa, minsan lang mga 'yan dumaan dito kaya dapat bigyan natin ng rason ba bumalik-balik sila dito," binitbit na nito ang tubig palabas at hindi siya pinansin.  Nakita niyang kumuha ng pera sa wallet nito si Apollo para magbayad. Pero agad itong pinigilan ni Porsia. At nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Hindi puwedeng ililibre nito ang kinuha ng apat. Magagalit ang tita Freda nila. "Basta mga ganyan ka bait na mga boys, libre lang dito sa tindahan namin," kumukurap-kurap pa ang mga mata nito na parang nagpa-beautiful eyes.  "Porsia!" Hindi niya napigilan ang sariling suwayin ito sa ginagawa. Maliban sa nakakahiya ito, hindi dapat nito inililibre ang paninda.  "Bye, Alex! Dadaan kami ulit kapag may rides kami ulit," kumaway si Nathan sa kanya nang paalis na ang mga ito. Hindi niya magawang mangiti man lang dahil ramdam niya ang tagos ng titig ni Tyler. Bigla siyang kinabahan. Agad siyang pumasok sa tindahan at naupo sa mono block chair at pilit itinago ang ulo na hindi nito makikita sa labas. Nang maramdaman niyang umalis na ang mga ito ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Pero naroon pa rin ang bilis ng t***k ng kanyang puso. "Naiwan pa yata dito ang amoy ni Apollo my honey bunch sa pera niya. Naku Alex, saktan man ako ngayon ni tita Freda walang epekto 'yon. Nakadaupang palad ko pa talaga si Dean my darling noong inabot niya sa 'kin ang mineral water. Isang daang kaluluwa siguro lalabas sa katawan ko kapag makulong sa bisig niya," sabi nito na ang pera ay tinatampal nito ng mahina sa pisngi nito na parang nangangarap siguro na hinahalikan ito ng limang lalaki. Naiinis niya itong sinipa. "Baliw ka nga naman 'no, sila pa talaga ililibre mo samantala ang buong laman ng tindahan na 'to ay barya lang sa kanila," inirapan niya ito pero hindi nito alintana ang ginawa niya. "Pero Alex, ramdam ko na sasabay na silang manliligaw sa 'kin. Pipiliin ko. . . , hmmm, si Apollo kasi napakagaspang, bad boy ba, at masiyadong mapanakit. Si Dean, tahimik lang pero handa rin manakit. Si Joaquin, may kagaspangan din pero parang may kunting lambing, pero parang mabangis na hayop din. Si Nathan, medyo malamyos lang pero malupit din sa usapang sakitan. Ay ano ba kinikilig ako. Sige na nga lang balik loob na lang ako kay Tyler my babe, package deal na kasi siya," hindi niya alam kung siya ang kinakausap nito, o ang sarili nito. Tinampal niya ang pisngi nito. "Magising ka na sana sa kabaliwan mo," sabi niya sabay agaw sa pera na ibinayad ni Apollo. "Ang KJ mo," nagdadabog itong tumayo at inirapan siya. Hindi na niya ito pinansin ng marami na ang lumapit para bumili. Nawala na rin ang isipan niya kay Tyler ng dumarami na ang bumibili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD