CHAPTER 9

1337 Words
Napatakbo si Alex nang makita na tinapunan siya ng tingin ni Tyler. A dangerous one. Nang makita niyang palabas ito sa pintuan ng classroom ay kumaripas siya ng takbo at nagtago sa isang malaking haligi ng building. Nakita niyang nagpalinga-linga ito at nagpasalamat siya dahil hindi siya nito nakita doon. Saka lang siya lumabas nang makita niyang lumakad na ito palayo kasama ng pinsan nitong si Apollo. Malakas ang kalabog ng dibdib niya habang humahakbang papuntang library. Muntik pa siyang ma-late sa unang araw ng duty niya dahil sa ginawa niyang pagsilip sa classroom ni Tyler.  Hindi siguro ito nagkakape ano? Kasi wala man lang itong kunting nerbiyos sa katawan sa ginawa nito sa gitna ng discussion ng professor nito. This guy was so mad, she thought. Tinuruan siya ng librarian ng gagawin niya. Nakikinig siya pero ang utak niya ay sa nasaksihang ginawa ni Tyler. Abala na siya sa ginagawa nang may kumalabit sa kanya. Napatingin siya sa gumawa no'n. Ang taong pinakaiiwasan niya. Si Diego Escoder! "Finally, I found you! Halos buong vacant time ko ang ginugol ko sa paghahanap sa 'yo, ah," nakangisi nitong sabi. Bumangon ang inis sa dibdib niya habang nakatingin sa mga ngisi nito. Mga ngising hindi mapagkatiwalaan. Balak niya itong bulyawan. "May trabaho po ako, Mr. Escoder," pinipigilan niya ang mapalakas ang boses dahil natatakot siyang marinig sila ng librarian. "Shh, huwag kang maingay dito lang ako uupo. Behave na magbabantay sa 'yo," naupo na ito at naglabas ng library card para manghiram ng libro. Naupo sa isang sulok. Pero alam niyang hindi naman ito magbabasa talaga. Nandoon lang ito para mambuwisit sa kanya iniirapan niya ito kada matuon ang paningin niya dito. Sinusundan nito ang bawat galaw niya. Kung puwede lang pihitin ang orasan para mpabilis ito, para matapos na ang duty niya. Hindi siya napapagod sa ginagawa pero napapagod siyang makikita sa isang sulok itong si Diego. Napakapiste sa buhay niya. Para itong uod na pilit na dumidikit sa halaman kahit na in-spray na ng insecticide. Natigil siya sa pag-iisip nang pumasok ang limang lalaki na maiingay. Tiningnan niya ang librarian wala lang naman itong reaction. Nagpapa-beautiful eyes pa nga habang nakasunod ang mata sa pumapasok. Sinundan niya ang paningin nito at nanlaki ang mga mata niya na automatic natuon kay Tyler. Bigla niyang naalala ang nasilip niya kanina sa bintana ng classroom nito. Bigla siyang kinabahan na nagtungo sa kabilang aisle ng bookshelves para hindi siya nito makita. Hindi niya alam sa sarili kung bakit kailangan niyang magtago doon. Basta ang puso niya ay napakabilis ang t***k habang nakapinta sa isip ang magandang hubog ng katawan nito. Ang mauumbok nitong mga muscles, ang flat nitong tiyan na may ilang layer ng abs. Ang mabibilog nitong mga mata na kulay abo. Ang matangos nitong ilong na bagay sa manipis at mapupula nitong labi. His physical looks that made her trembles every time she was thinking about him. At doon pa ang mga  ito pumuwesto sa malapit sa pinagtataguan niya. What the heck, are they doing here? Dito sa library? Dahil hindi ang tipo nang mga ito ang mahilig magtambay sa mga ganoong lugar para lang magbasa ng libro. "Really, Apollo? Nagawa ni Tyler 'yon?" Natatawang sabi ni Joaquin. "Lutang kasi siya, kaya noong inutusan ko aba wala ng daming salita pa, hubad na kaagad," pinipigilan ni Apollo ang matawa ng malakas dahil siguro nasa loob ang mga ito ng library. Ang mga estudyanteng naroroon ay hindi naman nila alintana kahit na nag-iingayan ang lima. Dalawa lang ang maaring rason diyan. Una dahil sila ang may-ari ng eskwelahan na ito. Pangalawa, dahil kinikilig ang mga estudyanteng naroroon kaya imbes na mairita mas type pa nila na mag-ingay ang lima. "Ilang babae ba ang napapak mo kagabi bago tayo umuwi, Tyler?" Mahinang humahalakhak si Dean. "Doon talaga siya napagod. Let me reverse it, doon pala siya pinagod ng mga babae," sabat naman ni Nathan na hindi na tumitigil ang mga ito sa kakatawa. Kinuha niya ang isang libro sa lagayan para masilip niya ang mga ito. Nakita niyang tikom lang ang bibig ni Tyler. Parang wala sa sarili na nagpalinga-linga sa paligid. At bigla siyang nanlamig nang makita nito ang muling pagsilip niya. Nagtama ang kanilang mga mata, at nakita niya ang pagsambit ng walang tunog nito ng isang malutong mura. Mabilis niyang ibinalik ang libro at napasandal sa shelves. "Damn you all to hell! Huwag n'yong isalba ang mga sarili n'yo, dahil ang mga ginagawa n'yo ay mas malala pa. Ikaw Apollo, pinapahamak mo ako masyado!" She heard he scold Apollo. "But you see, you did it right. O, 'di ba natameme si tandang Sora? Nakita ko ang paglunok niya habang nakatingin dito, o!" Hinampas ni Apollo ang tiyan ni Tyler. Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito pero hindi niya alam kung bakit napasimangot siya nang marinig niya ang sinabi ni Dean tungkol daw sa mga babae ni Tyler kagabi. Babaero naman talaga, feeling hard to get pa. Inis na sabi ng isip niya. "Ano ang sinabi ng kaklase n'yo?" Udyok pa ni Nathan. "Ayon, tameme silang lahat. And the Devil left them speechless," kuwento ni Apollo na para bang seryoso ang lahat. Bigla ang mahihinang tawanan ulit. Tameme nga rin ako, kasi may pa-show down ang loko. Hindi naman kagandahan ang katawan niya. Akala niya kasing ganda ng katawan niya si Jensen Ackles. Inis niyang bulong, but if she just honest to herself, mas maganda pa yata katawan nito kompara sa idol niyang si Jensen Ackles of  Super Natural. "I saw you outside the window, earlier. Did you enjoy looking at my body?" Muntik pa niyang maitapon ang hawak na libro nang magsalita ito sa likuran niya. Parang pusa ito kung kumilos, mabilis at walang ingay. Kanina lang doon pa ito nakaupo kasama mga pinsan niya tapos bigla na lang sumulpot sa likuran niya. And wait, iniisip nito na pinapantasya niya ang hubad nitong katawan? Ang kapal! Napatingala siya dito dahil sa itinukod nito ang ang dalawang braso sa ibabaw ng ulo niya. Kaya para na siyang nakakulong sa pagitan nito at nang sinasandalan niyang shelves. Nararamdaman niya ang paninikip ng paghinga niya habang nalalanghap niya ang mabango nitong amoy. Hindi niya alam ang brand ng perfume nito na gamit, basta nakakaliyo iyon sa pakiramdam.  "E-excuse me," kinakabahang sabi niya. Parang bigla siyang na-mental block at nawalan ng sasabihin. Yumuko siya para umalis sa pagkakakulong niya. Sinubukan niyang dumaan sa ilalim mg braso nitong nakapatong sa ibabaw ng ulunan niya, pero ibinaba naman nito ang braso sa bandang tagiliran niya. She raised her brows. Mas lalo niyang idinikit ang katawan sa shelves para hindi masanggi ng balat nito. Nakahinga siya nang matiwasay nang makita niyang lumapit si Dean sa tabi nito. Tiningnan siya nang nanunukso at ipinatong ang isang kamay sa balikat ni Tyler. Napatuwid naman ito ng tayo sa ginawa ng pinsan. Tinapunan nito ng masamang tingin si Dean. "Pumili ka ng desenteng lugar, Tyler huwag dito sa library. Kitang-kita ka sa CCTV baka mamaya madadamay pa kami sa mga tatay natin sa ginagawa mong kalokohan," tinutukso ito ni Dean. At siya ang nahihiya sa sinasabi nito. Iniumang nito ang isang kamao kay Dean.  "Baliw! Kumukuha ako ng libro," balewala nitong hinugot ang isang libro sa tagiliran niya. Tiningnan siya ng mabilis saka binitbit ang libro sa mesa na kinauupuan ng mga pinsan nito.  "Bye Alex!" Mahinang sabi ni Dean sa kanya. Natatawang bumuntot sa naiiritang si Tyler. Nang tingnan niya ang orasan sa dingding ay napausal siya ng pasasalamat nang makitang tapos na ang duty niya. Mabilis niyang linagpasan ang nauupo na sina Tyler at lumapit sa librarian. Nang makapagpaalam ay kinuha na kaagad niya ang gamit at wala nang lingon-likod na lumabas ng library. Ang unang araw niya doon ay masyadong hustle, at hindi naging madali. Dahil sa mga lokong lalaki na biglaang sumulpot. Bakit ba nagkataon pa na duty niya doon at vacant time naman ng mga ito. Lalo na itong si Diego, dagdag pasanin niya rin ang isang 'to. Nakakainis. Nakakairita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD