CHAPTER 30

1619 Words

"OMG sesh, huwag kang magsinungaling sa 'kin, nakita ko 'yon, ha? Hinalikan ka ni Tyler my babe! Hala sesh, masarap ba? Matamis ba?" Namimilog ang mga mata ni Porsia na humarap sa kanya nang mawala ang sasakyan ni Tyler. Gugustuhin na lang niya na bumuka ang lupa at kakainin siya ng buo dahil sa hiya na nararamdaman niya. Hindi siya puwedeng magkaila kay Porsia dahil alam niyang kitang-kita nito ang pangyayari. "Porsia, huwag kang madaldal baka marinig ka ng tita Freda," nababahalang sabi niya dito. "Naku sesh, bakit ka hinalikan ni Tyler, kayo na ba?" Umiling siya dahil wala siyang alam na isasagot sa kakulitan ni Porsia. "Eh, bakit nga? Alex, hindi maganda 'to ha baka naglilihim ka na sa akin!" Bago pa niya masagot 'yon ay narinig nila pareho ang pagtawag sa kanila ng kanilang tita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD