Chapter 2212:30 na ’ko ng madaling araw nakatulog, bandang alas-kwatro ako nagising, mamayang alas-otso pa kami magkikita. Mukhang may ilang oras pako para masiraan ng bait. Sa school uli kami nagkita ni Millie nung umagang ’yon. Nagbaon ako ng panyo kasi alam kong tatagaktak ang pawis ko sa buong oras na andun ako sa bahay niya. Nag-usap kami sa jeep habang papunta sa kanila. At kahit anong pilit niya na paalisin ung kaba ko, sadyang di ko talaga maalis sa isip kung anong masasamang bagay ang pwedeng mangyari oras na makita ako ng mga magulang niya. Pagbaba namin sa kanto na iilang hakbang na lang ang layo mula sa bahay nila, agad kong binunot ung suklay na dala ko sabay ayos mabilis ng buhok ko. Nakaramdam rin ako ng mahabang patak ng pawis na tumulo pababa mula sa noo ko. I’ve neve

