Chapter 13Hinanap ko si Ria after nung last class namin nung Friday at agad ko siyang kinausap. Nag-sorry ako nang paulit-ulit at nangakong di na uli magagalit na gaya nung dati. Kung nakita lang ng FAMAS un, eh di best actor na sana ako. Sinuyo ko siya at pinapunta sa bahay namin kung saan ako naghanda ng makakain namin para sa hapon na un. Ang romantic nga ng set-up ko, if I do say so myself. Nag-usap kami nang matagal at kitang-kita ko sa mukha niya ung saya. Para talagang ilang taon niya na iniintay na mangyari to. I guess may onting guilt din akong naramdaman sa mga nangyayari. Di naman kasi maiiwasan un. Bakit ba kasi ako pa ung nagustuhan neto ni Ria, eh may iba namang mga lalaki diyan? Ngayon pa nga lang ay may dalawa nang nakaabang. But, the ends still justify the means. It

