Chapter 15Gaya ng milyon-milyong mga mag-aaral, ako ay laging nakaabang sa pagsapit ng Sabado. Tapos ng pagkakakulong sa school nang buong linggo, masaya din ang makapag-relax at makagala pagdating ng weekend. Pero nag-iba na ang weekends ko ngayon. Imbes na pagrelax at paglakwatsa ang ginagawa ko, mga libro at notes uli ang bumabati sakin. Ngunit, kahit puno na ng mga leksyon ang mga araw ko na ’to, lagi ko pa rin silang inaabangan. Lalo na ngayon na scheduled na ang mga pagkikita namin ni Millie. Sa unang Sabado na kami ay nagkita, talagang hindi ako nadisappoint. Suot ni Millie ung black skirt na paborito niya. Nag makeup siya pero walang lipstick, at ang suot niya pantaas ay itim na tank top. If ever ako ay tanungin kung bakit patay na patay ako sa kanya, kailangan ko lang ipakita

