Chapter 17Dahil sa napakagandang balitang aking natanggap mula sa dalawang katiwa-tiwalang sources, naging lalong excited ako para sa regular naming pagkikita ni Millie ngayong Sabado. Lahat ng paghahanda ay ginawa ko. Hinanap ko ung mga pinakamaganda kong black shirt, ung limited edition “Julie Tearjerky” retro design ko na sobrang bihira ko lang isuot. Hinanda ko rin ung black Chuck Taylors ko na talagang alagang alaga ko. Kasi kung meron mang isang okasyon kung saan kailangan ko talaga maging as pogi as I can be, aba eh di eto na un. The final touch of course is for the hair. Matapos ang maingat na pagsuklay at pagayos, handa na rin siya, at handa na rin akong makipagkita kay Millie. Hindi naman talaga date ang pagkikita namin na ’to ni Millie, at wala siyang dahilan para isipin u

