Chapter 40Dumating ang mga ka-banda ko around 10:30 nung umaga, kaso hindi na nila naabutan si Nelson. Mabuti na rin un dahil ayoko ng mga distraction, lalo na sa isang taong hindi nakaka-appreciate sa galing ng ibang tao. Sabay-sabay dumating sila Alvin, Benny, at Carl. Pagpasok nila sa bar, napansin kong medyo down ang mood nila. Pero, hindi ko masabi kung bakit. Palagay ko pa nga na ako lang ang nakakaisip nun. Naka-set-up na ang mga instrumento nilang tatlo kaya’t dumerecho na kami sa pag-praktis. Nakaisip na ’ko ng song list namin para sa contest, pero binago ko un dahil na rin sa mga nangyari nung umagang un. Gone is “Melancholy” from Julie Tearjerky. Ang magiging three songs namin for the contest will be: “Tadhana,” “Samson” (a Millie favorite), and ang sarili kong kanta, “Millie

