Chapter 30Desperado ako manalo sa sasalihan naming contest. Ayokong sumampa muli sa stage para lang maungusan ng dati kong kaibigan. Kaya naman naisipan kong bumisita kay Mike. Matagal na ung huli naming pagtambay ni Mike, at dahil huli din siyang sumampa sa stage nung gabi na un, di ko na rin siya nakausap pagkatapos. Bumati ako sa nanay niya gaya nang dati pero binati niya lang ako ng tingin. Mukhang alam niya na nagka-problema kami ni Mike. Pinayagan naman niya akong pumasok at agad akong pumanik sa kwarto ng dati kong kaibigan. Kumatok ako at pumasok na lang agad. Alam ko naman na hindi ako pagbubuksan ng dati kong kaibigan eh. “Mike?” “Oh? Danny, napadaan ka.” “Medyo matagal na din tayong hindi nag-uusap.” “Oo nga.” “Sasali ka daw sa contest ah.” “Oo. Sayang ung chance. Baka

