Chapter 33Umuwi ako matapos ang pag-uusap namin ni Ria. Nalungkot ako sa mga nangyayari. Ang inakala kong sure na pag-ganda ng relasyon namin ng babae kong minamahal ay meron pa palang malaking problema. Pag-akyat ko sa bahay, sinarado ko agad ang pintuan ng aking kwarto. Nagpipigil ako ng luha. Nagpipigil ako ng galit pero bago pa ma-overwhelm ng lahat ng eto, naalala kong hindi pa ’ko talunan. In place pa rin ang plano ko at alam kong makukuha ko pa rin si Millie. Kailangan ko lang mapakita sa kanya kung sino ang mas nakakalamang na lalaki. Gamit ang emosyon na dala-dala ko, naisipan kong sumulat ng kanta. Kung si Mike ay may naisulat na (I’m assuming) dahil sa pagtatapos ng aming pagkakaibigan, sigurado akong may magagawa akong mas maganda pa dun. Pero nalaman ko agad na hindi pa

